Mikas 1:8-12
Mikas 1:8-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dahil dito'y mamimighati ako at tatangis. Lalakad akong hubad at nakayapak. Mananaghoy akong gaya ng mga asong-gubat, at mananangis na tulad ng mga kuwago. Sapagkat ang sugat ng Samaria ay hindi na gagaling. Ito rin ay kakalat sa buong Juda; papasok sa pinto ng Jerusalem na tirahan ng aking bayang pinili. Huwag ninyong ibalita sa Gat ang ating pagkatalo. Huwag ninyong ipapakita sa kanya ang inyong pagtangis. Sa bayan ng Afra kayo maglupasay. Mga taga-Safir, magpabihag kayo, at hayaan ninyong kayo'y itapong nakahubad at kahiya-hiya ang kalagayan. Mga taga-Zaanan, huwag kayong umalis sa inyong lunsod. Sa pamimighati ng Bethezel, malalaman ninyong hindi na ito maaaring pagkanlungan. Ang mga taga-Marot ay nababalisang hinihintay ang saklolo, sapagkat malapit na sa Jerusalem ang kapahamakang ipinadala ni Yahweh.
Mikas 1:8-12 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Dahil sa pagkawasak ng Samaria, iiyak ako at hahagulgol. Maglalakad ako nang nakapaa at nakahubad. Aalulong ako tulad ng asong-gubat at tataghoy akong tulad ng kuwago. Sapagkat ang pagkagiba ng Samaria ay parang sugat na hindi na gagaling, at mangyayari din ito sa Juda hanggang sa Jerusalem na siyang kabisera na lungsod ng aking mga kababayan. Huwag ninyo itong ipamalita sa Gat. Huwag kayong tatangis kahit isang patak man lang. Sa Bet-leafra kayo maglupasay sa abo. Mga mamamayan ng Shafir, bibihagin kayo at dadalhing nakahubad, kaya mapapahiya kayo. Ang mga mamamayan ng Zaanan ay matatakot lumabas sa kanilang bayan. Ang mga taga-Bet-ezel ay hindi rin makakatulong sa inyo dahil sila rin ay umiiyak. Ang mga taga-Marot ay hindi mapakali, naghihintay sila ng saklolo, sapagkat dumating na ang kapahamakang mula sa PANGINOON at umabot na hanggang sa bungad ng Jerusalem.
Mikas 1:8-12 Ang Biblia (TLAB)
Dahil dito tataghoy ako, at mananambitan; ako'y yayaong hinubdan at hubad; ako'y uungal na parang chakal, at mananangis na gaya ng mga avestruz. Sapagka't ang kaniyang mga sugat ay walang kagamutan; sapagka't dumarating hanggang sa Juda; umaabot hanggang sa pintuang-bayan ng aking bansa, hanggang sa Jerusalem. Huwag ninyong saysayin sa Gath huwag kayong pakaiyak: sa Bethle-Aphra gumumon ako sa alabok. Magdaan ka, Oh nananahan sa Saphir, sa kahubaran at kahihiyan: ang nananahan sa Haanan ay hindi lumalabas; ang taghoy ng Beth-esel ay magaalis sa iyo ng pangalalay niyaon. Sapagka't ang nananahan sa Maroth ay naghihintay na mainam ng ikabubuti, sapagka't ang kasamaan ay bumaba mula sa Panginoon hanggang sa pintuang-bayan ng Jerusalem.
Mikas 1:8-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dahil dito'y mamimighati ako at tatangis. Lalakad akong hubad at nakayapak. Mananaghoy akong gaya ng mga asong-gubat, at mananangis na tulad ng mga kuwago. Sapagkat ang sugat ng Samaria ay hindi na gagaling. Ito rin ay kakalat sa buong Juda; papasok sa pinto ng Jerusalem na tirahan ng aking bayang pinili. Huwag ninyong ibalita sa Gat ang ating pagkatalo. Huwag ninyong ipapakita sa kanya ang inyong pagtangis. Sa bayan ng Afra kayo maglupasay. Mga taga-Safir, magpabihag kayo, at hayaan ninyong kayo'y itapong nakahubad at kahiya-hiya ang kalagayan. Mga taga-Zaanan, huwag kayong umalis sa inyong lunsod. Sa pamimighati ng Bethezel, malalaman ninyong hindi na ito maaaring pagkanlungan. Ang mga taga-Marot ay nababalisang hinihintay ang saklolo, sapagkat malapit na sa Jerusalem ang kapahamakang ipinadala ni Yahweh.
Mikas 1:8-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)