Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 49:8-12

Genesis 49:8-12 ASD

“Ikaw Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid. Ang iyong mga kaaway ay hahawakan mo sa leeg. Ang mga anak ng iyong amaʼy yuyuko saʼyo. Juda, aking anak, katulad ka ng isang batang leon na katatapos lang lumapa ng kanyang pagkain. Katulad si Juda ng leong gumagapang at humihiga, gaya ng babaeng leon na walang nagtatangkang gumambala. Ang setro ng hari ay hindi mawawala kay Juda; at ang tungkod ng pamamahala ay mananatili sa lahi niya hanggang sa dumating ang karapat-dapat mamuno at susunod sa kanya ang lahat ng bansa. Itatali niya ang kanyang asno at guya sa pinakamagandang puno ng ubas, at lalabhan niya sa alak ang kanyang mga damit Mas mapula pa kaysa sa alak ang kanyang mga mata at mas maputi kaysa sa gatas ang mga ngipin niya.