Genesis 49:8-12
Genesis 49:8-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Ikaw naman, Juda, ay papupurihan niyong mga anak ng ina mong mahal, hawak mo sa leeg ang iyong kaaway, lahat mong kapatid sa iyo'y gagalang. Mabangis na leon ang iyong larawan, muling nagkukubli matapos pumatay; ang tulad ni Juda'y leong nahihimlay, walang mangangahas lumapit sinuman. Setrong sagisag ng lakas at kapangyarihan sa kanya kailanma'y hindi lilisan; mga bansa sa kanya'y magkakaloob, mga angkan sa kanya'y maglilingkod. Batang asno niya doon natatali, sa puno ng ubas na tanging pinili; mga damit niya'y doon nilalabhan, sa alak ng ubas na lubhang matapang. Mata'y namumula dahilan sa alak, ngipi'y pumuputi sa inuming gatas.
Genesis 49:8-12 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Ikaw Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid. Ang iyong mga kaaway ay hahawakan mo sa leeg. Ang mga anak ng iyong amaʼy yuyuko saʼyo. Juda, aking anak, katulad ka ng isang batang leon na katatapos lang lumapa ng kanyang pagkain. Katulad si Juda ng leong gumagapang at humihiga, gaya ng babaeng leon na walang nagtatangkang gumambala. Ang setro ng hari ay hindi mawawala kay Juda; at ang tungkod ng pamamahala ay mananatili sa lahi niya hanggang sa dumating ang karapat-dapat mamuno at susunod sa kanya ang lahat ng bansa. Itatali niya ang kanyang asno at guya sa pinakamagandang puno ng ubas, at lalabhan niya sa alak ang kanyang mga damit Mas mapula pa kaysa sa alak ang kanyang mga mata at mas maputi kaysa sa gatas ang mga ngipin niya.
Genesis 49:8-12 Ang Biblia (TLAB)
Juda, ikaw ay pupurihin ng iyong mga kapatid: Ang iyong kamay ay magpapahinga sa leeg ng iyong mga kaaway: Ang mga anak ng iyong ama ay yuyukod sa harap mo. Si Juda'y isang anak ng leon, Mula sa panghuhuli, anak ko umahon ka: Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon; At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya? Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda, Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa, Hanggang sa ang Shiloh ay dumating; At sa kaniya tatalima ang mga bansa. Naitatali ang kaniyang batang asno sa puno ng ubas. At ang guya ng kaniyang asno sa puno ng piling ubas; Nilabhan niya ang kaniyang suot sa alak, At ang kaniyang damit sa katas ng ubas. Ang kaniyang mga mata ay mamumula sa alak, At ang kaniyang mga ngipin ay mamumuti sa gatas.
Genesis 49:8-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Ikaw naman, Juda, ay papupurihan niyong mga anak ng ina mong mahal, hawak mo sa leeg ang iyong kaaway, lahat mong kapatid sa iyo'y gagalang. Mabangis na leon ang iyong larawan, muling nagkukubli matapos pumatay; ang tulad ni Juda'y leong nahihimlay, walang mangangahas lumapit sinuman. Setrong sagisag ng lakas at kapangyarihan sa kanya kailanma'y hindi lilisan; mga bansa sa kanya'y magkakaloob, mga angkan sa kanya'y maglilingkod. Batang asno niya doon natatali, sa puno ng ubas na tanging pinili; mga damit niya'y doon nilalabhan, sa alak ng ubas na lubhang matapang. Mata'y namumula dahilan sa alak, ngipi'y pumuputi sa inuming gatas.
Genesis 49:8-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)