Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 49:8-12

Genesis 49:8-12 RTPV05

“Ikaw naman, Juda, ay papupurihan niyong mga anak ng ina mong mahal, hawak mo sa leeg ang iyong kaaway, lahat mong kapatid sa iyo'y gagalang. Mabangis na leon ang iyong larawan, muling nagkukubli matapos pumatay; ang tulad ni Juda'y leong nahihimlay, walang mangangahas lumapit sinuman. Setrong sagisag ng lakas at kapangyarihan sa kanya kailanma'y hindi lilisan; mga bansa sa kanya'y magkakaloob, mga angkan sa kanya'y maglilingkod. Batang asno niya doon natatali, sa puno ng ubas na tanging pinili; mga damit niya'y doon nilalabhan, sa alak ng ubas na lubhang matapang. Mata'y namumula dahilan sa alak, ngipi'y pumuputi sa inuming gatas.