YouVersion Logo
Search Icon

Mag One-on-One with GodSample

Mag One-on-One with God

DAY 3 OF 5

Ikatlong Araw: Ang Pangakong Presensiya ng Diyos

Isa sa pinakamagandang resulta ng one-on-one with God ay ang paglago ng iyong relasyon with God at ang pangako Niyang presensiya na lagi mong kasama. Nang tawagin ng Diyos si Moses, narinig niya ang mga salitang ito: “Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan” (Exodo 3:12).

Ang presensiya ng Diyos ay kasama nina Moses at mga Israelita nang sila ay umalis sa Egypt patungong Promised Land. God was a cloud by day and a pillar by night leading them. Hinati ng Panginoon ang Red Sea upang makatawid sila at makatakas sa mga Egipcio. Kumain sila ng manna at mga pugo mula sa langit at hindi sila nagutom. Umagos ang tubig sa bato at hindi sila nauhaw. Hindi minanas ang kanilang mga paa. Hindi napunit ang kanilang mga damit at napudpod ang kanilang mga sandalyas sa 40 years ng kanilang pamamalagi sa wilderness.

Ang presensiya ng Diyos ay kasama ng Kanyang kinagigiliwan. Nang hilingin ni Moses sa Diyos na huwag silang iwanan, sinabi ng Diyos, “Sige, gagawin ko ang hiling mo sapagka’t ako’y nalulugod sa iyo at kilalang-kilala kita” (Exodo 33:17). Malalaman mo na ang presensiya ng Diyos ay kasama mo kung ikaw ay mananatiling tapat sa Kanya at masunurin sa Kanyang kautusan.

Pag-isipan:

1.Ano ang kailangan mong gawin upang malugod ang Diyos at kagiliwan ka?

2.Isulat ang isang pagkakataong na-experience mo ang presensiya ng Diyos.