Mag One-on-One with GodSample

Unang Araw: Ang Tawag ng Diyos
Maniniwala ka bang ang Diyos mismo ang tumatawag sa atin upang makausap tayo? Ang Kanyang invitation ay hindi limitado sa pag-uusap tungkol sa ating mga daing at paghingi ng tulong sa Kanya. Kasama rito ang marinig kung gaano kaganda ang takbo ng araw natin at anong bagay ang nagpasaya sa atin na gusto nating ipagpasalamat. O di kaya ay bigyan Siya ng isang awitin. Hindi ba’t minsan ay hindi mo ma-express ang iyong nadarama, that only tears flow because of the deep pain in your heart? Why not break out in a song dahil sa sobrang kasiyahan mo? Bahala na kung out of tune o hindi!
Ang tawag ng Diyos ay merong kalakip na pangako. Sinabi Niya, “Kung mananalangin ka sa akin, tutugunin kita, at ipapahayag ko sa iyo ang mga bagay na dakila at mahiwaga na hindi mo pa nalalaman” (Jeremias 33:3). Maliwanag na hindi tayo mabibigo dahil naghihintay ang Diyos. Handa Siyang makinig at sagutin tayo. Meron din tayong tatanggaping isang magandang revelation—ang Kanyang karunungan at kaalaman na higit pa sa ating kaalaman. Sige at mag one-on-one with God ka na!
Pag-isipan:
1.Paano mo tinutugon ang tawag sa iyo ng Diyos?
2.Paano ka maghahanda sa pagtawag mo sa Diyos?
Scripture
About this Plan

Alamin ang kahalagahan ng iyong prayer life at kung paano mo mapapabuti ito para sa isang mas magandang relasyon sa Diyos.
More
Related Plans

Change My Mind - Standing With Jesus in a Confusing World

Renewing Your Heart for Ministry

Testimonies of Christian Professionals

Multivitamins - Fuel Your Faith in 5-Minutes (Pt. 2)

Finding Strength in Stillness

I'm Just a Guy: Who's Angry

No More Mr. Nice Guy: Saying Goodbye to Doormat Christianity

5-Day Devotional for Moms: Grace in Your Gaps

Christ Over Everything - Colossians
