Mag One-on-One with GodSample

Ikalawang Araw: Ang Kahalagahan ng Pananampalataya
Nasubukan mo na bang magdasal pero bago ka pa tumawag sa Panginoon ay inisip mo nang hindi mo matatanggap ang iyong hihingiin? Tulad iyan ng isang Christian leader na inihanda ang kanyang team for prayer. Sinabi niya, “Pray for funds! Ang laki ng ating deficit at ilang araw na lang before the end of the month. Let’s pray even if we know we won’t meet our budget.” Ano kaya ang reaction ng Diyos in hearing doubting words that He will not answer our prayers?
“Kung may magagawa ako?” ang tanong ni Jesus sa amang dinala ang kanyang anak na sinasapian ng masamang espiritu upang ihingi ito ng kagalingan. “Mangyayari ang lahat sa sinumang may pananampalataya”, ang sagot ni Jesus sa ama (Marcos 9:23). Sino sa palagay mo ang unang tumanggap ng kagalingan: ang anak o ang ama? “Agad namang sumagot ang ama ng bata, ‘Naniniwala po ako! Tulungan po ninyo akong madagdagan pa ang aking pananampalataya’” (v.24).
Tandaan na “ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumasampalatayang may Diyos na nagbibigay ng gantimpala sa mga nanalig sa kanya” (Mga Hebreo 11:6). Walang power ang iyong prayer kung hindi ka naniniwala sa power ng ating Diyos na sagutin ka!
Pag-isipan:
1.Basahin ang salaysay sa Marcos 9:14-27. Bakit kailangan ng pananampalataya ang sinumang lalapit sa Diyos?
2.Paano mo palalaguin ang iyong pananampalataya sa Diyos?
Scripture
About this Plan

Alamin ang kahalagahan ng iyong prayer life at kung paano mo mapapabuti ito para sa isang mas magandang relasyon sa Diyos.
More
Related Plans

Conversation Starters - Film + Faith - Redemption, Revenge & Justice

One New Humanity: Mission in Ephesians

____ for Christ - Salvation for All

The Art of Being Still

Finding Our Worth in the Real Thing

Identity Shaped by Grace

The Way to True Happiness

Virtuous: A Devotional for Women

God, Not the Glass -- Reset Your Mind and Spirit
