YouVersion Logo
Search Icon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

DAY 27 OF 40

Araw 27: Mga Buhay na Pagbabalik-loob, Naglalakad na Pagkabuhay

Ni Wayne Atcheson (Si Wayne ang senior ambassador at historian ng Billy Graham Library and Archive Center at may-akda ng The Asbury Revival: When God Used Students to Wake a Nation.)

“Si Cristo'y ipinapangaral nila dahil sa tunay na pagmamahal, sapagkat alam nilang ako'y hinirang upang ipagtanggol ang Magandang Balita.”

— Filipos 1:16

Ang epekto ng Asbury Revival noong 1970 ay patuloy na nararamdaman 55 taon na ang lumipas sa buhay at ministeryo ng lider ng panalangin nito na si Jeannine Brabon. Noong siya ay isang freshman noong 1967 sa Asbury College sa Wilmore, Kentucky, sinabi ng Diyos kay Jeannine na kailangan ng campus ng revival, kaya’t nakuha niya ang mga pangalan ng 1,100 estudyante, guro, at kawani—at nagsimula siyang magdasal.

Sa pagdaan ng panahon, natukoy niya ang 36 na estudyante na nagsanay sa mga disiplina ng “John Wesley Great Experience.” Hindi lamang sila nanalangin at naniwala, kundi inaasahan nilang darating si Jesus—at dumating nga Siya sa isang chapel service sa Hughes Auditorium noong Pebrero 3, 1970. Habang umuulan ng niyebe sa labas, hindi nila ipinagdasal ang revival kundi ang dumating na si Jesus. At dumating Siya sa Kanyang buong kaluwalhatian! Sa loob ng pitong araw at gabi, pinamunuan ng Diyos ang campus. Ang revival ay kumalat sa 130 mga kolehiyo, seminaryo, at simbahan sa buong Amerika kung saan naglakbay ang mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga kuwento. Isa ito sa mga pinakamalalaking campus revival sa kasaysayan ng Amerika.

Bilang anak ng mga magulang na misyonaryo sa Timog Amerika, nagtapos si Jeannine mula sa Asbury noong 1971 at agad pumunta sa misyon sa Timog Amerika sa loob ng dalawang taon, pagkatapos ay sa Espanya sa loob ng 16 na taon, at mula noong 1989 ay naging misyonaryo siya sa Colombia, Timog Amerika. Itinuring ni Jeannine sa walang halaga ang sarili, isinuko ang kanyang buhay nang buo sa Diyos, at marahil siya ay isa sa mga pinakadakilang soul winner sa Kaharian ng Diyos.

Simula noong 2019, itinatago niya ang isang listahan ng 6,000 tao na kanyang inakay kay Cristo nang paisa-isa. Nagsisilbi siya sa mga bilangguan at sa mga kalye ng Medellin. Isang pamamaraan na ginagamit niya ay ang magtanong ng pangalan ng isang tao, at pagkatapos ay itanong, “Nakasulat ba ang iyong pangalan sa aklat ng buhay ng Kordero?” Pagkatapos ay ibinabahagi niya sa kanila ang biblikal na kahulugan ng kanilang mga pangalan. Halimbawa, “Ang iyong pangalan ay nangangahulugang kaligayahan. Gusto mo bang magkaroon ng kaligayahan sa iyong puso araw-araw at magpakailanman?” Ibinibigay ni Jeannine sa kanila ang pamphlet na “Paano Maglakad Kay Cristo” at sinusundan ito ng isang Bibliya. Ayon kay Jeannine, “Ang Banal na Espiritu ang humihila ng mga tao kay Cristo. Binubuksan mo lang ang iyong bibig. Ang Banal na Espiritu ang gagawa ng mga hindi pangkaraniwang bagay.”

Sa panahon ng Asbury outpouring noong 2023, dumating si Jeannine mula sa Timog Amerika at diretsong naglakad patungo sa altar at nanalangin kasama ang mga estudyante at mga tao mula sa buong mundo. Ginugol niya ang kanyang ika-75 kaarawan noong Setyembre 19, 2024, sa Billy Graham Library sa Charlotte kasama ako at ang iba na nakabasa ng kanyang kuwento sa Asbury Revival: When God Used Students to Wake a Nation na isinulat ko noong 2021. Si Jeannine ay isang buhay na “Revival Giant.” Sabi niya, “Kung makatagpo ka sa akin, makatagpo ka kay Jesus.” Nawa’y maging tayo rin ay mga naglalakad na revival tulad ni Jeannine. Wala siyang balak magretiro.

PUNTO NG PANALANGIN:

Ama naming Diyos, ipakita Mo ang Iyong puso sa henerasyong ito—ang Iyong presensya, kapangyarihan at pagmamahal ay makikita ng lahat!

Jesus, magpadala Ka ng isa pang dakilang revival na madadama sa mga campus ng kolehiyo, para sa Iyong pangalan.

Banal na Espiritu, itaas Mo ang isang henerasyon ng “naglalakad na revival” na maglalagablab ng passion para sa mga kaluluwang maligtas!

About this Plan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!

More