Ang Pag-ibig na Puno ng Pag-asaSample

Ikalimang araw: Ang Pag-ibig na Puno ng Pag-asa
Alam mo bang ang mundo ay patuloy ang pagtuturo kung paano umiwas o magtago o humanap ng masisisi sa kawalang pag-asa? Isang popular Christian speaker and author ang nagsabing ang mga alagad ni Jesus ay “terrible hopers.” Mas mabuti pa raw na hindi umasa para hindi ma-disappoint dahil kung walang disappointment, hindi ka masasaktan.
Para sa isang alagad ng Diyos, ibinigay niya ang kanyang Espiritu Santo upang mapaglabanan ang pabigla-bigla nating desisyon na huwag ng umibig at magwalk-out na sa ating mga responsibilidad o di kaya ay magpakamartir at mabuhay ng walang pag-asa. Sinabi ni Apostol Pablo, “At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin ng Diyos” (Romans 5:5).
Pinatabayan rin ito ni Apostol Pedro: “Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo’y isinilang sa isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ang bagong buhay na iyan ang nagbigay sa atin ng malaking pag-asa na makakamtan natin ang isang kayamanang walang kapintasan, di masisira, at di kukupas. Ang kayamanang iya’y nakalaan sa inyo doon sa langit. Sapagkat kayo’y sumampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos samantalang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakalaang ihayag sa katapusan ng panahon.” (1Peter 1:3-5).
Sa madaling salita, “Ang pag-ibig ay…[dapat] puno ng pag-asa” (1 Corinthians 13:7).
Pag-isipan: Paano maiiwasang maging terrible hoper sa bagong buhay na nakamit mo dahil kay Jesus? I-connect ang relasyon ng pag-ibig sa pag-asa at vice-versa.
About this Plan

Tama ba sa isang alagad ng Diyos ang maging terrible hoper, gayong alam naman nating ang kayamanang walang-kupas at di masisira ay ipinangako na sa atin ng Panginoon?
More
Related Plans

Rescue Breaths

Evangelistic Prayer Team Study - How to Be an Authentic Christian at Work

Season of Renewal

FruitFULL : Living Out the Fruit of the Spirit - From Theory to Practice

Managing Your Anger

Art in Scripture: Be Anxious for Nothing

Genesis | Reading Plan + Study Questions

Leading Wholeheartedly

The Lord Speaks to Samuel
