Ang Pag-ibig na Puno ng Pag-asaSample

Ikalawang Araw: Hindi Titigil ang Taong Umiibig
Dumating ang pagwawakas ng pitong taon ng pagsisilbi ni Jacob na “parang katumbas lamang ng ilang araw sa laki ng pag-ibig niya [kay Raquel]” (v.20). Sinabi nito kay Laban, “Dumating na po ang panahong dapat kaming makasal ng iyong anak” (v.21). Inimbita ni Laban ang lahat sa kanilang lugar sa isang malaking handaan. Pero sa halip na si Raquel ang pinasiping kay Jacob ay si Lea ang binigay ng ama. Nang malaman ito ni Jacob kinaumagahan, sinabi niya kay Laban, “Bakit ninyo ako nilinlang? Naglingkod ako sa inyo para kay Raquel, hindi po ba?” (v.25).
Nasayang ba ang pitong taon na ito at tinanggap na lamang ni Jacob ang pangyayari? Hindi! Pitong taon pa ang karagdagang panahon ng paglilingkod ni Jacob para mapangasawa si Raquel, ang kanyang tunay na minamahal. Kahit pa siya ay niloko ni Laban, hindi nawalan ng pag-asa si Jacob. Ang kanyang pangako kay Raquel ay tinupad niya. Ang pag-ibig niya ay wagas at puno pa rin ng pag-asa!
Pag-isipan: Kailan mo nasubukang magpasensiya o umasa nang dahil sa pag-ibig? Paano mo kinaya ang pagsubok? Ano ang iyong natutunan?
Scripture
About this Plan

Tama ba sa isang alagad ng Diyos ang maging terrible hoper, gayong alam naman nating ang kayamanang walang-kupas at di masisira ay ipinangako na sa atin ng Panginoon?
More
Related Plans

Rescue Breaths

Evangelistic Prayer Team Study - How to Be an Authentic Christian at Work

Season of Renewal

FruitFULL : Living Out the Fruit of the Spirit - From Theory to Practice

Managing Your Anger

Art in Scripture: Be Anxious for Nothing

Genesis | Reading Plan + Study Questions

Leading Wholeheartedly

The Lord Speaks to Samuel
