YouVersion Logo
Search Icon

Ang Pag-ibig na Puno ng Pag-asaSample

Ang Pag-ibig na Puno ng Pag-asa

DAY 1 OF 5

Unang Araw: Nang Dahil sa Pag-ibig

Nang dumating si Jacob sa Paddan Aram, nagtanong siya sa mga pastol tungkol sa kamag-anak niyang si Laban. Tamang-tama naman na “dumating si Raquel na kasama ang kawan ng kanyang ama. Nang makita ni Jacob si Raquel… binuksan ni Jacob ang balon at pinainom ang mga tupa. Pagkatapos, nilapitan niya ang dalaga at hinagkan; napaiyak sa tuwa” (Genesis 29:9-11). Pagkatapos magkakilala ay umuwi si Raquel upang ibalita kay Laban, ang kanyang ama, ang pagdating ni Jacob. At si Jacob ay nanirahan sa kanila ng isang buwan.

“Pagkalipas ng isang buwan, sinabi ni Laban kay Jacob, ‘Hindi dahil magkamag-anak tayo ay pagtratrabahuhin kita nang walang bayad; magkano bang dapat kong isweldo sa iyo?’ Si Laban ay may dalawang anak na dalaga. Si Lea ang nakatatanda at si Raquel naman ang nakababata. Mapupungay ang mga mata ni Lea, ngunit mas maganda at kaakit-akit si Raquel.
Nabighani si Jacob kay Raquel, kaya’t ang sabi niya kay Laban, ‘Paglilingkuran ko kayo nang pitong taon para kay Raquel’” (vv.15-18).

Nang dahil sa pag-ibig, pitong taong nagsilbi si Jacob kay Laban para kay Raquel. Sa kanya mismo nanggaling ang proposal na ito at hindi sa ama ng kanyang napusuan. Ang pag-ibig ni Jacob kay Raquel ay nagbigay sa kanya ng pag-asa, ang matutong magtiis at magtiyaga.

Pag-isipan: Masasabi mo bang ang pag-ibig ni Jacob para kay Raquel ay dahil lamang sa kanyang taglay na kagandahan? Anong dahilan, kung hindi? Bakit kinailangan ni Jacob na maglingkod ng pitong taon para sa kamay ni Raquel?