Ang ABKD ng Semana SantaSample

U: Utos (command)
Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” (Mateo 28:18-20)
Ang utos ay anumang gawaing itinakda ng nasa posisyon ng kapangyarihan.
Sa Lumang Tipan, tayo’y binigyan ng Panginoon ng Sampung Banal na Utos. Sa Bagong Tipan naman, tayo’y binigyan ni Hesus ng dalawang mahalagang utos na buod ng mga ito: una, mahalin natin ang Diyos ng buong puso’t isip, at ang pangalawa ay mahalin natin ang mga taong nakapaligid sa atin. Ito’y ginawa ni Hesus upang palayain ang mga tagasunod ng Diyos sa mga batas na idinikta lamang ng mundo.
Ang mga utos na ibinigay ng Panginoon ay dapat lamang nating sundin sapagkat Siya ang ating Panginoon. Bukod pa dito, lahat ng Kanyang utos ay para sa ating kabutihan at bilang gabay habang tayo’y nabubuhay dito sa mundo.
Noong si Hesus naman ay namatay sa krus at muling nabuhay makalipas ang tatlong araw, binigyan din Niya tayo ng kautusang sinusunod natin ngayon bilang Kanyang iglesya: ang ipalaganap ang ebanghelyo sa sanlibutan at turuan ang bawat isang maging tagasunod Niya.
About this Plan

Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.
More
Related Plans

Two-Year Chronological Bible Reading Plan (First Year-July)

From Waiting to the Immediate

Healing Family Relationships Through Compassion

Lead With Purpose: Kingdom Principles for Entrepreneurs

Find & Follow Jesus, Quarter 3

Horizon Church July Bible Reading Plan: Minor Prophets, Major Truths - Joel, Amos, Obadiah, Jonah, Micah & Nahum

Israel: God's Holy Land
Luke Book Study - TheStory

Healing Family Relationships Through Acceptance
