Ang ABKD ng Semana SantaSample

Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan. (Isaias 9:6)
Ang Yahweh ay ang luma at banal na pangalan ng ating Diyos. Sa salitang Hebreo, ito ay isinusulat gamit ang apat na titik na maaaring ihalintulad sa YHWH. Sa kasalukuyan, ang Panginoon ay isinusulat sa ating mga Bibliya bilang Yahweh, Panginoon, o Jehovah.
Noong unang panahon, ang mga tao’y labis na may takot na gamitin, isulat, o banggitin ang banal na pangalang ito ng ating Panginoon nang walang kaakibat na paggalang. Ngunit dahil sa sakripisyo ni Hesus, tayo’y may kalayaang tawagin ang Diyos sa Kanyang banal na ‘Ngalan o bilang “Ama” sapagkat tayo’y Kaniya nang mga anak.
Sa ating pagtatapos ng ating paggunita sa sakripisyo ni Hesus sa krus, nawa’y huwag nating kalimutang magpasalamat sa araw-araw na tayo’y iniligtas ng Diyos mula sa ating mga kasalanan. Dahil kay Hesus, maaari na tayong magkaroon ng malalim na relasyon sa Diyos at tumawag sa Kanya sa bawat segundo ng ating mga buhay.
Scripture
About this Plan

Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.
More
Related Plans

Experience Fasting in a New Way

Fan the Flame - A Journey Through Acts

Spiritual Virtues for the Modern Man

The Strength of Weakness

Encounters With People

Attributes of God on F.I.R.E.

Dear Mama: God’s Not Done With Your Story

Let's Talk About...How to Use Your Talents

The Hope of Easter: Finding Clarity in Confusing Times
