Ang ABKD ng Semana SantaSample

T: Tupa (lamb)
Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit hindi kumibo kahit isang salita; tulad ay tupang nakatakdang patayin, parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan, at hindi umiimik kahit kaunti man. (Isaias 53:7)
Sa Lumang Tipan, ang tupa ay karaniwang ginagamit bilang sakripisyo sa altar ng Panginoon upang tayo’y Kanyang patawarin sa ating mga kasalanan. Sa Bagong Tipan naman, ang tupa ay sinisimbolo si Hesukristo—Siya ang Tupa o Kordero ng Diyos na itinakdang magligtas sa atin mula sa kamatayan at sa parusa ng ating mga kasalanan.
Sa kasalukuyan, hindi na tayo kailangang magsakripisyo pa ng tupa o anumang hayop o bagay sa altar dahil ito ay ginawa na ni Hesus noong Siya’y nagpapako sa krus at nabuhay na muli. Kailangan lamang nating maniwala at magtiwala sa Kanya upang tayo’y mabuhay sa Kanyang kaligtasan.
Ito ang pinakamagandang balitang maaari nating maisabuhay at maibigay sa ibang tao lalo na ngayong Semana Santa. Lahat ng kasalanan natin sa nakaraan, sa kasalukuyan, at sa hinaharap ay napatawad na ng Panginoon dahil sa sakripisyo ni Hesus sa krus.
About this Plan

Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.
More
Related Plans

5 Days of 5-Minute Devotions for Teachers

Journey Through James and 1 2 3 John

Retirement: The 3 Decisions Most People Miss for Lasting Success

Conversations

God Gives Us Rain — a Sign of Abundance

Here Am I: Send Me!

Put Down Your Phone, Write Out a Psalm

Nearness

Solo Parenting as a Widow
