Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

ARAW 29 NG 30

Isa sa mga pinakamahirap sa buhay ay ang hirap ng paghihintay sa Diyos. Kinukuha ng Diyos ang mga banal tulad ng isang busog na Kanyang iniuunat at sa isang tiyak na punto ang banal ay magsasabi, “Hindi ko na kaya,” ngunit hindi siya pinakikinggan ng Diyos, patuloy Niya itong hahatakin dahil Siya ay naglalayon sa Kanyang marka, hindi sa atin, at ang kailangan sa mga banal ay ang "magtiyaga" hanggang sa paliparin ng Diyos ang palaso.

Manatiling tapat sa Diyos, at ilalabas ng Diyos ang Kanyang katotohanan sa paraang gagawing isang sakramento ang iyong buhay, ibig sabihin, ang nananatiling presensya ng Diyos ay darating sa pamamagitan ng mga simpleng elemento ng iyong buhay, ngunit kailangan mong maghintay sa Kanya.

Mga Tanong sa Pagninilay: Sa anong mga paraan ako nababanat? Paano mababawasan ang kagipitan kung magpapahinga ako at hindi lalaban? Bakit pakiramdam ko'y kailangan kong tumakbo kapag ako ay may problema kaysa tumayo nang matatag?

Ang mga sipi ay kinuha mula sa God’s Workmanship, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org