Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa

Isinuko ng mga alagad ang lahat para kay Jesus; sumunod sila sa Kanya sa loob ng tatlong taon; iniisip ni Pedro at ng iba pang mga disipulo na ito ang panahon kung kailan Niya ipakikilala ang Kanyang kaharian; sa halip, ang lahat ay nagtapos sa nakakahiyang kawalang-halaga. Hindi kailanman inisip ni Pedro na makikita niyang ibigay ni Jesu-Cristo ang Kanyang sarili nang may kaamuan sa kapangyarihan ng mundo, at nabagbag ang puso niya at “sinundan Siya mula sa malayo.” Ang tawaging duwag si Pedro dahil sa pagsunod kay Jesus sa malayo ay isang indikasyon kung paano tayo nagsasalita nang hindi nag-iisip. Si Pedro at ang lahat ng mga disipulo ay nagdadalamhati, lahat ng inaasahan nila tungkol kay Jesu-Cristo ay nabigo, at ngayon ang kanilang pinakamatinding takot ay nangyari.
Maraming Cristiano mula pa noong panahon ni Pedro ang nakaranas ng lubos na kadalamhatian, hindi dahil sa personal siyang natatakot sa anumang bagay, kundi dahil sa mukhang ang Kanyang Panginoon ay pinahihirapan.
Mga Tanong sa Pagninilay: Anong mga pangyayari ang nag-uudyok sa akin na isipin na ang Diyos ay natatalo sa pakikipaglaban sa kasamaan? Ano ang sinasabi sa akin ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo tungkol sa kapangyarihan ng Diyos laban sa kasamaan? Anong takot ang mayroon ako na hindi nadadaig ng pag-asa ng pagkabuhay na mag-uli?
Ang mga sipi ay kinuha mula sa He Shall Glorify Me, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org
Mga Kaugnay na Gabay

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa Panginoon

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu

Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John Piper

Ang Tibok ng Puso ng Diyos

Ang Kahariang Bali-baliktad

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Prayer

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan