Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

ARAW 25 NG 30

Ang pagdurusa ni Job ay nauugnay sa katotohanan na ang Diyos at si Satanas ay nagkaroon ng labanan sa kanyang buhay. Ipinahayag ni Satanas na si Job ay hindi umiibig sa Diyos sa kung sino Siya, kundi para lamang sa Kanyang mga pagpapala, at ngayon, ang lahat ng kanlungan at pakikipagkaisa at pakikiramay ay tuluyang nawala kay Job, at nakita niya na maaaring pinahintulutan ito ng Diyos. Ito ang pinakamalalim na kalalagayan sa buhay ni Job, ngunit nananatili pa rin siya sa kanyang paniniwala na ang Diyos ay marangal. Ito ay puntong wala nang pag-asa, samahan pa ng di-pangkaraniwang pagtitiwala sa Diyos na pansamantalang tila isang moloch.

Naniniwala si Job na papaunlarin ng Diyos at pagpapalain ang matuwid na nagtitiwala sa Kanya, at ang mga tao na hindi matuwid ay hindi uunlad. Pagkatapos ay dumating ang magkakasunod na kalamidad. Ang lahat ng pinaniniwalaan ni Job tungkol sa Diyos ay sinalungat, at ang kanyang paniniwala ay napunta sa hangin.

Mga Tanong sa Pagninilay: Mahal ko ba ang Diyos sa kung sino Siya o para sa Kanyang mga pagpapala? Ano ang mangyayari sa aking tiwala sa Diyos kapag hindi Niya agad naibigay ang pagpapala?

Ang mga sipi ay kinuha mula sa The Highest Good at Baffled to Fight Better, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org