Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

ARAW 23 NG 30

Ang tanging lugar ng pagtitiwala ay ang personal na pagtitiwala sa Diyos at matiyagang paghihintay sa Kanya. Ang isa sa mga bagay na dapat nating iwaksi ay ang ideya ng paghatol na hindi kailanman nagmula sa Aklat ng Diyos, iyon ay, ang ideya na ang Diyos ay mapaghiganti. Ang ating Panginoon ay hindi kailanman nagsabi ng isang personal na paghihiganti, nagsalita Siya mula sa isang kaalaman sa walang hanggang mga alituntunin ng Diyos, na hindi maiiwasan. Ang magtiwala sa kabutihan ng Diyos ay hindi sapat, hindi ito walang hanggan at nananatili; kailangan nating magtiwala sa Diyos, na higit pa sa kabutihan.

May mga karanasan sa buhay ng tao na hindi bahagi ng layunin ng Diyos, ngunit resulta ng kabuktutan ng tao. Tandaan, ang pagtitiwala sa Diyos ay hindi nangangahulugan na ang Diyos ay magpapaliwanag sa Kanyang mga solusyon sa atin, ito ay nangangahulugan na tayo ay lubos na nagtitiwala sa Diyos, at kapag nakita natin ang solusyon ay makikita natin na ito ay naaayon sa lahat ng ipinahayag ni Jesu-Cristo tungkol sa Kanyang katangian..

Pagninilay na Tanong: Kung talagang naniniwala ako na ang Diyos ay mas mabuti kaysa sa pinakamahusay, at mas makapangyarihan kaysa sa pinakadakila, bakit nagtitiwala pa rin ako sa sarili kong pang-unawa sa mga bagay-bagay?

Ang mga sipi ay kinuha mula sa Notes on Isaiah at Our Portrait in Genesis, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org