Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan Halimbawa

All Is Calm: Receiving Jesus' Rest This Christmas

ARAW 5 NG 5

Ika-5 Araw: Magtiwala sa Kanyang Katapatan



“Nagtitiwala ka ba sa Akin?”



Araw-araw nating kinakaharap ang katanungang ito, mula sa ating paggising hanggang sa oras ng ating pagtulog. Dahil ang magtiwala ay ang magpahinga, at ang magpahinga ay ang magtiwala.



Pag-isipan ito: Hindi mo itatayo ang iyong Christmas Tree sa isang patungan na kulang ng isang paa, at hindi mo hihilingin sa isang tao na palaging nahuhuli sa oras ang magdala ng hors d'oeuvres para sa salu-salo sa Kapaskuhan.



Atin mang mapagtanto o hindi, palagi nating sinusuri kung mapagkakatiwalaan ba natin ang mga bagay-bagay at mga tao na nakapaligid sa atin. Ginagawa rin natin ito sa ating relasyon sa Diyos, banayad na nakikipag-areglo kung gaano kalaking parte ng buhay natin ang ipagkakatiwala natin sa Kanya.



Ito man ay ang ating kayamanan, mga nasirang relasyon, mga itinatagong hinanakit, o ang ating mga pangarap sa hinaharap, sinusuri natin ang katapatan ng Diyos mula sa nakaraan upang makapagpasya kung mapagkakatiwalaan pa rin ba natin Siya sa kasalukuyan. 



Ngunit sa kalagitnaan ng napakaraming gawain ngayong Kapaskuhan mas nagiging malinaw ang ating tiwala o hindi pagtitiwala. 



…Magpapakabusog tayo sa mga biskuwit, empanada, at hamonado kung hindi tayo nagtitiwala kay Jesus bilang Tinapay ng Buhay na pumupuno sa lahat ng ating pangagailangan.



…Mag-aalala tayo sa ating suwail na anak kung hindi tayo nagtititwala kay Jesus bilang Mabuting Pastol na naghahatid sa ligaw na tupa pabalik sa kanyang tahanan. 



…Maglulublob tayo sa ating kalungkutan, na tila tayo'y nakalimutan, kung hindi tayo nagtitiwala kay Jesus bilang Emmanuel, ang Diyos na sinasamahan tayo sa ating pag-iisa. 



…Maghihirap tayo upang lumikha ng perpektong Kapaskuhan kung hindi tayo nagtitiwala kay Jesus bilang Nag-iisang Banal ng Diyos na bumubuo sa atin. 



Ang bawat sandali ay isang pagkakataon upang magtiwala sa katapatan ng Diyos sa milyun-milyong maliliit na paraan, at nagsisimula ang lahat ng ito habang tayo ay natututong magpahinga. 



Ano kaya kung kaysa nagmamadali tayong sumusugod sa dami ng araw-araw nating gawain, ay simulan natin ang bawat umaga natin sa simpleng pagsasanay kung paano magpahinga? Hayaan natin, kagaya ng sinasabi ng salmista, turuan ang ating mga kaluluwa na sa Diyos lamang hanapin ang ating kapahingahan: na alalahanin ang Kanyang mga gawa at Kanyang kabutihan, upang gawing tahimik ang ating mga isip at mga puso sa Kanyang presensya, at ideklara ang ating kumpiyansa sa Kanyang pagiging maaasahan.



Dahil ang Kaisa-isang lumikha ng mundo mula sa Kanyang pagsambit ay dumating bilang isang mahinang sanggol noong banal, lubos na maligaya, at tahimik na gabi, na kayang magsambit ng kapayapaan at kahinahunan sa ating mga buhay ngayon. 



Mga Tanong sa Pagninilay: Alin sa mga pangalan ni Jesus ang pumukaw sa iyo at sa mga hamon na kinakaharap mo sa iyong buhay? Ano ang hitsura ng pagtitiwala at pagpapahinga sa Diyos ngayong panahon ng Kapaskuhan? Ano ang iibahin mo sa iyong mga nakasanayan? 



Gusto Mo Pa? I-download ang Unwrapping the Names of Jesus bundle at magkaroon ng isang talaarawan ng mga panalangin na Names of Jesus (Ang Mga Pangalan ni Jesus), tanda na mayroong panalangin para sa Kapahingahan, at isang Prayer for Christmas Rest (Panalangin para sa Pahinga Ngayong Kapaskuhan) na maaring i-print. 





Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

All Is Calm: Receiving Jesus' Rest This Christmas

Ito ang panahon upang magsaya, ngunit ito rin ang pinakamaraming gawain.  Halika na sa ilang sandali ng pahinga at pagsamba na magpapanatili sa iyo sa lahat ng maligayang paggawa ngayong panahon. Ayon sa librong Unwrappi...

More

Nais naming pasalamatan ang Moody Publishers sa pagbabahagi ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://onethingalone.com/advent

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya