Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan Halimbawa

All Is Calm: Receiving Jesus' Rest This Christmas

ARAW 2 NG 5

Ika-2 Araw: Alalahanin ang Kabutihan ng Diyos 



Lahat tayo ay nakakaranas ng amnesya sa kaluluwa, nakakalimutan natin kung sino ang Diyos at ang mga ginawa Niya para sa atin isang araw lang ang nakalipas. Tulad mo, kailangan kong paalalahanan ang sarili ko kung sino si Jesus at kung bakit lubhang milagroso ang Kanyang kapanganakan—hindi dahil hindi batid ng isip ko kundi dahil nawawala na ang pagkamangha sa aking puso. Sabi nga ng lumang kasabihan, ang pagkapamilyar ay nauuwi sa paghamak, at nakakalungkot, nawawala sa sarili nating mga puso ang ganoong pagkamangha. 



Isa ito sa mga dahilan kung bakit iniutos sa mga Israelita na alalahanin ang mga kababalaghang ginawa ng Diyos sa tuwina: upang sila at ang kanilang mga anak ay hindi makalimot, at upang manatiling sariwa sa kanilang mga isip ang pagkamalapit at kapangyarihan ng Diyos.



Habang papalapit na ang Kapaskuhan at ang lahat ng paghahandang kalakip nito, madali tayong malihis sa labis na paggagayak. Kaya't kailangan nating sadyaing alalahanin ang kabutihan ng Diyos: kung sino Siya at kung anong mga ginawa Niya.



Isang magandang paraan ng paggawa nito ay ang simpleng pagninilay sa mga pangalan ni Jesus, sa lubos na pagnamnam ng Kapaskuhan sa pagkilala ng mga iba't ibang kaparaanang Siya ay malapit sa atin kahit ngayon. 



Tulad ng isang mahusay na inukit na diyamanteng nasisinagan ng araw, ang pagninilay sa mga pangalan ni Jesus ay magdadala sa atin upang hangaan ang maraming aspeto ng Kanyang pagkatao, bawat isa ay may angking ganda, ngunit pag pinagsama-sama ay nagbubuo ng isang nakagigilalas na larawan ng Anak ng Diyos na naging tao upang iligtas tayo. 



Kaya't inaanyayahan kita na tumigil sandali ngayon at alalahanin ang kabutihan ng Diyos sa pamamagitan ng pagtutuon sa mga pangalan ni Jesus, nakatala sa isa sa pinakamadalas na bigkasing propesiya tungkol sa ating Tagapagligtas: 



Si Jesus ay si Emmanuel, Diyos na kasama natin, ang Manlilikha na angkin ang lahat ng kapurihan, kaluwalhatian at kapangyarihan ngunit piniling pumasok sa mundo natin bilang isang maliit na bata upang manirahan sa piling ng Kanyang mga minamahal at ibalik ang relasyon sa atin.



Si Jesus ang Salita ay Diyos, ang ganap na kapahayagan at matalinong komunikasyon sa Diyos, at ang pinakadirekta at personal na mensaheng maaaring maibigay sa atin ng Diyos, maaabot ng lahat na maghahanap sa Kanya.



Si Jesus ang Banal na mula sa Diyos, nagniningning sa karangalan, nangingibabaw sa kapangyarihan, ganap na walang kasalanan, may kabanalan na hindi panakot sa atin bagkus nagbibigay sa atin ng dahilang umasa dahil Siya lamang ang nagsusuot at nagbibigay sa atin ng makalangit na katuwiran.



Paanyaya: Alin sa mga pangalan ni Jesus ang pinakamakabuluhan para sa iyo? Tumigil sandali at pagnilayan ang kasaganaan ng Kanyang pagkatao, matapos ay bigkasin o isulat ang ilang partikular na paraang kinakatagpo ka ng Diyos sa mismong kinalalagyan mo ngayon. 


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

All Is Calm: Receiving Jesus' Rest This Christmas

Ito ang panahon upang magsaya, ngunit ito rin ang pinakamaraming gawain.  Halika na sa ilang sandali ng pahinga at pagsamba na magpapanatili sa iyo sa lahat ng maligayang paggawa ngayong panahon. Ayon sa librong Unwrappi...

More

Nais naming pasalamatan ang Moody Publishers sa pagbabahagi ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://onethingalone.com/advent

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya