Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan Halimbawa

All Is Calm: Receiving Jesus' Rest This Christmas

ARAW 3 NG 5

Ika-3 Araw: Ipahayag ang Iyong Pangangailangan: 



“Salamat, pero kaya ko naman.”



Nagawa mo na bang tumanggi sa alok na tulong, kahit talagang kailangan mo sana? 



Kung minsan mahirap aminin na hindi natin kayang gawin ang lahat nang mag-isa. Sa gitna ng lahat ng paggagayak sa Kapaskuhan, nauuwi ito minsan sa labis na pagkapagod at pagiging bugnutin. Ang pagtitiwala sa sariling kakayahang ito ay malubhang nakakapinsala sa espirituwal na buhay natin. 



Ang katotohanan ay kailangan natin si Jesus. Ngunit madalas tayong namumuhay na tila kaya nating mag-isa. Hindi hangga't magbigay tayo ng panahon na pagnilayan ang kagandahan ng Diyos—ang Kanyang kabanalan, Kanyang pag-ibig at kabutihan, Kanyang paghahandog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan—na mapagtatanto natin na malubha natin Siyang kinakailangan. Tila posibleng masaktan ang isang aamin ng kanyang pangangailangan, ngunit ipinapangako ni Jesus na ang mga walang inaasahan kundi ang Diyos, mga mapagpakumbabá ang puso, at nauuhaw sa katuwiran, ay gagantimpalaan nang mas higit ng Diyos Mismo. 



Lumalabas na ang pagpapahayag ng ating pangangailangan ang tanging paraan upang matanggap natin ang hindi mauubos na kayamanang ihinanda ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 



Tinatawagan ng may-akda ng Mga Awit ang mga hinirang ng Diyos na sumamba, magbigay-galang at lumuhod sa harap ng kanilang Manlilikha. Ang Hebreong salita para sa pagsamba ay nangangahulugan ng pagpapatirapa o paninikluhod. Sa pisikal ang ibig sabihin nito ay paninikluhod sa pagkilala ng pagiging Panginoon ni Jesus; sa espirituwal, ang ibig sabihin nito ay ang pagsusuko ng lahat ng kung ano tayo sa lahat ng kung ano Siya.



Ang ganitong pagtutuwid ng ating perspektibo at mga pagpapahalaga ay posible lamang kung maglalagak muna tayo ng panahon sa pagkilala ng kadakilaan ng Diyos; ang pagsamba ang maghahatid sa atin sa tamang pananaw patungkol sa Diyos, na maghahatid sa atin sa pagpapahayag ng ating mga kasalanan at pagtalikod sa mga ito.



Inilalarawan ni Jesus ang parehong punto nang tawagin ang Sarili na Puno ng Ubas, at ang Kanyang mga alagad na mga sanga. “Wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin,” sabi Niya. “Ang nananatili sa akin... ang siyang nagbubunga nang sagana.” Nakakagulat, hindi tayo tinatawagan ni Jesus na magtrabaho nang higit pa upang mamunga nang mas sagana; bagkus, tinatawagan Niya tayo na manatili sa Kanya, na patuloy na umasa sa Kanya. Ang mga mananatiling konektado sa Kanya ay natural na mamumunga nang sagana, dahil Espiritu Niya ang Siyang lumilikha ng bunga. 



Hayaang ang pangangailangan mo kay Jesus ang maghatid ng kapayapaan at kapanatagan ngayong Kapaskuhan. Wala nang pagkataranta. Hindi mo kailangang gawin ang lahat nang mag-isa. Ang totoo nito, kailangan mo lang talagang sumandig. 



Mga Tanong sa Pagninilay: Paano nangungusap sa iyo ang paglalarawan kay Jesus na Puno ng Ubas? Ano pang mga pangalan ni Jesus ang tumutulong sa iyong kilalanin ang sarili mong pangangailangan sa Kanya? Ano ang isang paraan na maipapahayag mo ang iyong pangangailangan at pamamahinga sa Kanya ngayon?


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

All Is Calm: Receiving Jesus' Rest This Christmas

Ito ang panahon upang magsaya, ngunit ito rin ang pinakamaraming gawain.  Halika na sa ilang sandali ng pahinga at pagsamba na magpapanatili sa iyo sa lahat ng maligayang paggawa ngayong panahon. Ayon sa librong Unwrappi...

More

Nais naming pasalamatan ang Moody Publishers sa pagbabahagi ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://onethingalone.com/advent

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya