Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Paglalakbay Patungo sa PamanaHalimbawa

The Legacy Journey

ARAW 7 NG 31

Pansariling Disiplina



Noong bata pa akong lumalaki sa Tennessee, gustung-gusto kong magbisikleta kasama ng mga kaibigan ko. Siyempre, hindi ganoon kagara ang bisikleta ko tulad ng mga nauuso ngayon. Noon, mayroon lamang itong isang gear, at isang engine: ang aking dalawang maliliit na mga paa. At talagang nagtatrabaho nang husto ang aking mga binti dahil hindi ganoon karami ang mga diretsong daanan sa amin sa Tennessee. Kung hindi ka paakyat ay pababa ka naman.



Madalas habang nagbibisikleta, tumitingala ako at nakikita kong dumidiretso ang kalsada sa harapan ko! At kung talagang matarik ang burol, magsisimula akong kumanan at kumaliwa nang ilang beses para hindi tumigil ang momentum ko. Nakikipaglaban at nakikibaka ako makarating lamang sa tuktok ng burol. Maraming pagkakataon ay parang gusto nang sumuko.



Ngunit hindi ko iyon ginawa.



Bakit? Sapagkat sa biyahe pababa ng burol ay sulit ang bawat katiting ng enerhiyang ibinigay ko para umakyat ng burol.



Iyon ang iyong destinasyon para sa Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana. Nais mong marating ang lugar kung saan ka pababa. Nais mong matamasa ang matamis na pagkakataon na iyon kung saan ang iyong mga pinuhunan at inimpok ay talaga nga namang tumutubo kada taon nang higit pa sa kinikita mo sa iyong trabaho.



'Yan ang tinatawag na pinnacle point o tugatog na punto, at iyon ay napakagandang lugar upang marating. Ngunit hind ka roon makararating nang basta-basta. Kailangan ng walang-humpay na pagsusumikap sa loob ng mahabang panahon, at nangangailangan rin ng matinding disiplina.



Sinasabi sa Mga Hebreo 12:11 na madalang ikatuwa ang disiplina, ngunit ito ay talagang mahalaga. Ang hinagpis ng sandali ay napakatotoo, ngunit ang mga nagbabayad ng halaga ay tunay na nagwawagi sa katapusan.



Hindi talaga isang madaling daan ang Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana. Napakaraming kalsada ang paakyat. Ngunit kapag ika'y nasa tuktok na, madali na lang tahakin ang kabilang daan. Dagdag pa rito, ngumingiti sa iyo ang Diyos dahil ikaw ay naging matapat na tagapamahala. Nagugustuhan niya ang biyahe kasama ka.



At iyon ay napakasarap sa pakiramdam.



Kaya ipagpatuloy mo lang ang iyong pagpepedal. Manatiling disiplinado at ibigay mo ang lahat ng pagsusumikap na kakailanganin mo para sa isang pamanang nagtatagal. Babaguhin nito ang iyong buhay—gayundin ang iyong hinaharap.



Upang matuto nang mas higit pa tungkol sa paglikha ng magandang plano para sa pamumuhunan at pag-abot ng iyong tugatog na punto, bisitahin ang daveramsey.com/legacy.

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

The Legacy Journey

Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa...

More

Nais naming pasalamatan si Dave Ramsey sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang daveramsey.com/legacy

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya