Ang Mga Talinhaga ni JesusHalimbawa

ANG MANGHAHASIK AT MGA LUPA
Mabisang nagpapahayag ang talinhagang ito ng estado ng ating mga puso at kung gaano natin tinatanggap ang salita ng Diyos.
Gaano mo kadalas natatagpuan ang sarili mong hindi naaapektuhan o tinatablan ng Banal na Salita kapag binabasa mo ito o pinakikinggan na pinangangaral? Nagiging matigas na ba ang puso mo para sa Diyos? Binibigyan tayo ng babala ni Jesus na habang tinatanggap natin nang may kagalakan ang Banal na Salita, hindi natin ito pinapalalim, kaya mabilis na nawawala ang ating paunang kagalakan.
Ang sumunod, at marahil ang pinakamapanlinlang, ang buhay na nagkaroon ng kaunting bunga, ngunit nakikipagpaligsahan sa mga alalahanin ng buhay. Anu-anong mga bagay ang nakikipagkumpitensya sa pagnanais mong paglingkuran si Jesus? Ang mga alalahanin ng buhay, ang pain ng kayamanan, o ang paghahangad ng iba pang mga bagay?
Panghuli, ang matabang lupang namunga nang masagana. Saan mo nakikita ang pinakamasaganang butil na namumunga sa iyong buhay para sa Diyos? Anong butil ang nais mong makitang bumalik ng tig-30, 60, 100 beses sa iyong buhay?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ihahatid ka ng gabay na ito sa mga talinhaga ni Jesus, tutuklasin ang ibig sabihin ng ilan sa Kanyang pinakadakilang aral para sa iyo! Nagbibigay pahintulot ang maramihang araw ng paghahabol na mapanatiling nakakasunod ang mambabasa sa kasalukuyang araw ng gabay at magkaroon ng oras upang makapagnilay at mahikayat ng pag-ibig at kapangyarihan ni Jesus!
More
We would like to thank Trinity New Life Church for this plan. For more information, please visit: http://www.trinitynewlife.com/
Mga Kaugnay na Gabay

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Mas Mahusay Kapag Sama-sama

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Paghahanap ng Kapayapaan