Ang Mga Talinhaga ni JesusHalimbawa

ANG SALAPING GINTO
Ang tanong ay hindi kung magkano ang mayroon ka, kundi kung ano ang ginagawa mo sa kung anong mayroon ka! Sa talinhagang ito walang pananagutan ang mga alipin kung magkanong salaping ginto ang ibinigay sa kanila sa simula; may pananagutan sila kung saan nila ginamit ang salaping ginto na iyon.
Anong talento, regalo, mga hilig, mga oportunidad, atbp., ang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos? Anong ginagawa mo sa mga ito? Naghihintay ka ba ng mas marami pang oportunidad ang dumating, mas maraming salapi, mas maraming tao, mas maraming pangangailangan bago mo ito gamitin? Natatakot ka ba sa maaaring mangyari kung magkamali ka at hindi maging maganda ang kalabasan nito?
Mabuting ama ang Diyos; hindi Siya nagagalit kapag sinusubukang gamitin ng Kanyang mga anak ang mga kaloob Niyang regalo at talento para sa mga layunin ng Kaharian. Dumarating ang Kanyang pagtutuwid kapag nag-aantay tayo, dahil sa takot o sa kagustuhan ng mas higit pa, at sa huli ay walang nagagawa! Huwag mong hayaang mauwi sa wala ang mga talentong ipinagkaloob sa iyo ng Diyos ngayon--lakasan mo ang iyong loob upang magsimula at gamitin ang mga ito para sa Kaharian ng Diyos!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ihahatid ka ng gabay na ito sa mga talinhaga ni Jesus, tutuklasin ang ibig sabihin ng ilan sa Kanyang pinakadakilang aral para sa iyo! Nagbibigay pahintulot ang maramihang araw ng paghahabol na mapanatiling nakakasunod ang mambabasa sa kasalukuyang araw ng gabay at magkaroon ng oras upang makapagnilay at mahikayat ng pag-ibig at kapangyarihan ni Jesus!
More
We would like to thank Trinity New Life Church for this plan. For more information, please visit: http://www.trinitynewlife.com/
Mga Kaugnay na Gabay

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Mas Mahusay Kapag Sama-sama

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Paghahanap ng Kapayapaan