Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Mga Talinhaga ni JesusHalimbawa

The Parables of Jesus

ARAW 19 NG 36

PAANYAYA PARA SA MALAKING HANDAAN
Pinapaalalahanan tayo ng talinhagang ito na maging mapagpakumbaba sa pribilehiyong matawag sa pamilya ni Jesus. Hindi tayo dapat maging mapagmataas at mayabang, sa pag-iisip na si Jesus ang pinagpala dahil sa atin, bagkus alalahanin natin kung gaano kalaking biyaya Siya sa atin.

Ang orihinal na inanyayahan sa handaan, karaniwang ipinapalagay na tumutukoy sa mga Judio, ay nagpakita ng sukdulang pagwawalang-bahala (Lucas) at pinakamarahas na galit (Mateo) bilang kasagutan sa kanilang paanyaya. Sa halip, ang mga mahihirap, mga nakalimutan, at mga patapon ng lipuan ang nakibahagi sa kamangha-manghang kapistahan.

Dapat nating patuloy na hamunin at suriin ang ating mga sarili upang mapanatili ang isang mapagpakumbaba at mapagpasalamat na puso sa ating paanyayang manahan kasama si Cristo, hindi kailanman magwawalang-bahala, magmamayabang, o maski magagalit sa dakilang pribilehiyong ipinagkaloob sa atin ng Tagapagligtas.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

The Parables of Jesus

Ihahatid ka ng gabay na ito sa mga talinhaga ni Jesus, tutuklasin ang ibig sabihin ng ilan sa Kanyang pinakadakilang aral para sa iyo! Nagbibigay pahintulot ang maramihang araw ng paghahabol na mapanatiling nakakasunod ang mambabasa sa kasalukuyang araw ng gabay at magkaroon ng oras upang makapagnilay at mahikayat ng pag-ibig at kapangyarihan ni Jesus!

More

We would like to thank Trinity New Life Church for this plan. For more information, please visit: http://www.trinitynewlife.com/