Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nilikha Tayo in His ImageHalimbawa

Nilikha Tayo in His Image

ARAW 7 NG 7

Maliwanag ba ang buhay mo? đź’ˇ

Kapag naririnig mo ang katotohanang nilikha ka in His image, ano ba ang pumapasok sa isip mo? Hopefully, you now understand that this means He created you with the ability to love, to be creative, to do good to others, and so much more.

Ngayon, tingnan natin ang isa pang katotohanan: na ang paglikha Niya sa atin ayon sa Kanyang wangis comes with a purpose for us in this world.

Basahin natin itong nakasulat sa Bible:

“Kayong mga tagasunod ko ang nagsisilbing asin sa mundo. Ngunit kung mag-iba ang lasa ng asin, wala nang magagawa para ibalik ang lasa nito. Wala na itong pakinabang kaya itinatapon na lang at tinatapak-tapakan ng mga tao.

“Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago. Walang taong nagsindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan upang magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay. Ganoon din ang dapat ninyong gawin. Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.” (Mateo 5:14-16 ASND)

Nakikita mo ba? You have a purpose in this world— to be the salt and light of the earth— and this is part of what it means when we say we are created in the image of God. Siya mismo ang ilaw ng mundo, at binibigyan din Niya tayo ng responsibilidad katulad ng nasa Kanya.

Kumuha ng notebook o ng cellphone mo, at isulat ang mga bagay kung saan puwede kang magsilbing ilaw sa mga taong nakakasalamuha mo bawat araw. Saang sitwasyon ka ba puwedeng makatulong— o kahit magbigay lang ng encouragement or listening ear?

Tandaan mo, isa kang miracle!

Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day . Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!

Banal na Kasulatan