Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nilikha Tayo in His ImageHalimbawa

Nilikha Tayo in His Image

ARAW 5 NG 7

Malikhain ka ba? 🎨

Mahilig ka bang gumawa ng kung anu-ano, gaya ng mga pagkain, mga sulatin, handicraft o woodwork, drawing o painting? Kumakanta ka ba o kaya sumasayaw? O kung hindi mo man ito ginagawa ngayon dahil busy ka sa school o trabaho, mahilig ka ba sa mga ganito noong bata ka pa? Karamihan sa atin, when we were young, would draw, color, paint, sing, or just make stuff out of ordinary items.

At hindi pala ito nakapagtataka. Dahil noong nilikha tayo ng Panginoon, ginawa Niya tayo ayon sa Kanyang wangis. At Siya mismo ay isang malikhain na Diyos, hindi ba? Kung hindi ka sigurado, basahin mo ulit ang Genesis 1, na puno ng mga nilikha ng Panginoon sa umpisa ng lahat-lahat!

And the good news is, because He’s a creative God, that means when He created us in His image, He also made us creative! Basahin natin itong nakasulat sa Bible noong panahong iniutos ni Lord sa mga Israelites, kasama ni Moses, ang paggawa ng Tabernacle — a place where His Presence would dwell:

Binigyan sila ng Panginoon ng kakayahang gumawa ng lahat ng klase ng gawain: ang pagdidisenyo, ang paggawa ng tela, ang pagbuburda ng pinong telang linen at ng lanang kulay asul, ube at pula. Kaya nilang gawin ang kahit anong klase ng gawain, at napakahuhusay nilang gumawa. (Exodus 35:35 ASND)

Nakikita mo ba? Creativity comes from Him, and He passed it on to us as part of being made in His image.

Ikaw ba, saan mo ba nakikitang lumalabas ang pagiging malikhain na regalo ng Panginoon sa iyo? Kumuha ng notebook at isulat ang mga ito. Kung wala kang maisip, dasalin natin ito, “Lord, ipakita Mo sa akin kung saan Mo ako pinagkalooban ng pagkamalikhain. Gusto kong gamitin ito for Your kingdom. Amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan