Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nilikha Tayo in His ImageHalimbawa

Nilikha Tayo in His Image

ARAW 4 NG 7

Happy Independence Day!

Happy Independence Day sa atin, kabayan! At nagagalak kaming ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan natin bilang mga Filipino at bilang mga anak ng Diyos. Bakit namin nasabi ito? Because Jesus’ death on the cross also bought us freedom from sin and death.

Basahin natin itong nakasulat sa Bible:

Pero pinalaya na kayo sa kasalanan at alipin na kayo ng Dios. At ang dulot nitoʼy kabanalan at buhay na walang hanggan. Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. (Roma 6:22-23 ASND)

Ang galing, di ba? Ipagpatuloy natin ngayon ang ating series, “Nilikha Tayo In His Image.” Dahil sa kalayaang ibinigay Niya sa pamamagitan ng Kanyang ginawa sa krus, we can now live according to His original design for us, na nakasulat dito:

Nilikha tayo ng Dios; at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus, binigyan niya tayo ng bagong buhay, para gumawa tayo ng kabutihan na noon paʼy itinalaga na ng Dios na gawin natin. (Efeso 2:10 ASND)

Nakikita mo ba? Nilikha tayo ng Panginoon at binigyan ng bagong buhay, that has the capability to do good in this world! Nakakatuwa, hindi ba? Kaya pala nating gumawa ng kabutihan, dahil ito na ang original design Niya for us.

Kumuha ng notebook o journal. In a prayerful stance, ilista ang mga kabutihang pwede mong gawin. This can be for your family, friends, co-workers, or other people in your life. Pagkatapos, hingin natin ang tulong ni Lord upang magawa mo ang mga ito.

Tandaan mo, isa kang miracle!