Nilikha Tayo in His ImageHalimbawa

Kamukha mo si Lord!
Today, we’re continuing our series about how we’re created in the image of God. And, related to our past conversation about family resemblance, pag-usapan natin ngayon ang isang napakahalagang katotohanan: na mahal tayo ng Panginoon bilang anak Nya.
Noong nilalang ng Diyos ang unang tao, hindi Niya ito ginawa na tulad lang ng mga hayop, kundi sinabi Niyang lilikhain Niya ito ayon sa Kanyang wangis. Ang pinakamalapit na paglalarawang makikita natin sa ganitong paggawa ay ang relasyon ng magulang at mga anak: hindi ba ang mga anak ay nagiging kamukha ng kanilang nanay o tatay, ng lolo o lola?
Pero, hindi lahat ay naitugon sa orihinal na plano ng Diyos. Dahil sa simula pa lang ng panahon, nandoon na ang kaaway, who tempted Adam and Eve to disobey God. Noong nangyari ito, napahiwalay sila (at tayo) sa presensiya ng Diyos.
Ang magandang balita ay, ipinadala ng Panginoon ang Kanyang Anak na si Jesus upang bayaran ang ating mga kasalanan. And in the process, He restored us to His original design for us as children of God.
Let’s read this verse:
Mga minamahal, mga anak na tayo ng Dios. Ngunit hindi pa naihahayag kung magiging ano tayo sa hinaharap. Alam natin na sa pagbabalik ni Cristo, tayo ay magiging katulad niya dahil makikita natin kung sino talaga siya (1 Juan 3:2 ASND)
Ang galing, ano? Bigkasin natin kung anu-ano ang mga ugali ni Lord. Dahil kung ano ang nasa Kanya, ito din ang ibinibigay Niya sa atin bilang mga anak Niya. Halimbawa: pagmamahal, ligaya, kapayapaan, pagiging maunawain, at marami pang iba!
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan na Patungkol sa Nilikha Tayo in His Image
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

Nagsasalita Siya Sa Atin

Sa Paghihirap…

Mag One-on-One with God

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan
