Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

May Maganda Sa IyoHalimbawa

May Maganda Sa Iyo

ARAW 7 NG 7

Marami ka bang big feelings? 🌋

Madali ba para sa iyo na malaman sa sarili mo o masabi sa iba kung ano ang nararamdaman mo? For example, can you easily identify if you’re feeling anxious, fearful, or nervous?

For us, it’s easier to say when we’re happy, but harder to admit our heavy emotions like anger, fear, or sadness. Most likely, naging epekto ito ng marami sa atin na lumaki na pinapagalitan kapag umiyak o pinipigilan kapag nagpapakita ng galit. Hindi ba?

But here’s our good news for you. Natutunan namin na hindi pala mali ang may maramdaman. Ang Panginoon natin ay isang Diyos na may damdamin, at sa Bibliya mismo, punong-puno ng mga kasulatan tungkol sa mga emosyon ng tao. The Psalms, especially, are full of difficult emotions that people bring to God.

Tingnan natin ito:

Ang buhay koʼy punong-puno ng kasawian;
umiikli ang buhay ko dahil sa pag-iyak at kalungkutan.
Nanghihina na ako sa kapighatiang aking nararanasan,
at parang nadudurog na ang aking mga buto. (Salmo 31:10 ASND)

Napansin mo ba? Ang bigat ng naramdaman ng sumulat ng awit na ito, di ba? And the Lord chose to include it in the Bible, dahil mahalaga sa Kanya ang mga damdamin natin. Read this aloud:

Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan at napapansin nʼyo ang aking mga pag-iyak. Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat? (Salmo 56:8 ASND)

Nalalaman pala ni Lord ang lahat nating kalungkutan, at napapansin Niya ang ating pag-iyak. Doesn’t this give us confidence to embrace our emotions and bring them to God? Puwede mo itong gawin through journaling or prayer: “Lord, today I feel _______.” At ikuwento mo sa Kanya ang mga nangyayari at mga nararamdaman mo.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

May Maganda Sa Iyo

7-day Reading Plan Patungkol sa May Maganda sa Iyo

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day