Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

May Maganda Sa IyoHalimbawa

May Maganda Sa Iyo

ARAW 5 NG 7

Anxious ka ba sa future mo?馃敭

Where do you see yourself five years from now? May mga pangarap ka ba sa buhay? Kung meron, maganda! Kung wala kang maisip sa ngayon, OK lang. Alam naming may iba sa ating nahihirapang isipin ang hinaharap, dahil baka hindi lang natin nakagawian, o kaya nasanay tayong walang tumutulong o nagbibigay-gabay sa patutunguhan natin.

Pero alam mo bang maganda ang plano ni Lord para sa iyo? Let鈥檚 read this promise of His from the Bible:

Alam ko kung paano ko tutuparin ang mga plano ko para sa kabutihan n始yo at hindi sa kasamaan n始yo, at plano para bigyan kayo ng pag-asa na magkaroon kayo ng mabuting kinabukasan. (Jeremias 29:11 ASND)

Ang verse na ito ay ipinangako ni Lord sa mga Israeli sa isang pinakamahirap na panahon sa kanilang buhay: alam ni Lord at pinapaalam Niya sa kanila through the prophet Jeremiah, that their enemies will capture them, at maninirahan sila sa lupang banyaga ng pitumpu鈥檛 taon. Pero matapos ang panahong iyon, tutulungan sila ni Lord na makatakas at bumalik sa kanilang bansa.

Can you imagine how hard it must have been for them? Mas madali kayang mawalan ng pag-asa sa mga panahong iyon, di ba?

Pero dahil may pangako si Lord na bibigyan sila ng mabuting kinabukasan, maaari din tayong magkaroon ng pag-asa ng mabuting hinaharap sa buhay natin.

Read this aloud, at kung gusto mo, puwede mo rin itong sabihin aloud everyday: The Lord is the same yesterday, today, and forever, at siguradong gagawin Niya ang lahat para bigyan ako ng magandang future.

Kaya magrelax ka. Ang kinabukasan mo ay nasa kamay Niya. Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

May Maganda Sa Iyo

7-day Reading Plan Patungkol sa May Maganda sa Iyo

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day