May Maganda Sa IyoHalimbawa

Ano ba ang mga hobbies mo? 馃徃
May mga hobbies ka ba ngayon? Ano ang mga ito? Or, if you鈥檙e too preoccupied with life responsibilities na matagal ka nang walang oras mag-pursue ng hobbies, ano ba ang mga hilig mo noong bata ka?
Bakit namin naitanong ito? Importante ito, dahil naniniwala kaming alam ni Lord ang mga hilig natin, at mahalaga ito sa Kanya.
Basahin natin itong nakasulat sa Bible:
Nakikita n始yo ako habang ako始y nagpapahinga o nagtatrabaho.
Ang lahat ng ginagawa ko ay nalalaman ninyo. (Salmo 139:3 ASND)
Nakikita mo ba? Ang lahat ng ginagawa mo ay nalalaman ni Lord. Whether you鈥檙e working or doing something for recreation, like mga hobby o hilig mo, nakikita ka ni Lord. Ang galing di ba? That means na hindi lang Siya concerned na nananalangin tayo o kumakanta ng worship songs, kundi ang lahat ng ginagawa natin ay nakikita Niya.
At ano naman ang kinalaman nito sa mga hilig natin? We believe na every person is unique, at ang mga hobbies at passions natin ay may role sa purpose natin sa buhay. For example, kung mahilig ka sa drawing o handicraft, maaaring gamitin ito sa pag-serve sa ibang tao. Kung mahilig kang kumanta o magsulat, same din. Walang bagay na walang halaga kung alam lang natin gamitin ang mga ito sa kabutihan natin at ng ibang tao.
So ikaw, ano ang mga hilig mong makikita mong maaaring hindi lang nagpapaligaya sa iyo, kundi maaari ring maging blessing sa iba? Isulat mo ang mga ito sa isang notebook, at ipag-pray nating gamitin ito ni Lord sa pag-spread ng Kingdom Niya.
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa May Maganda sa Iyo
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day