Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Iniisip Ka Ni LordHalimbawa

Iniisip Ka Ni Lord

ARAW 7 NG 7

Feeling mo ba, malayo si God?

Alam mo bang may aklat si Lord na nagsusulat ng bawat araw ng buhay natin? Kadalasan, naiisip natin para Siyang isang malayong author, na tinitingnan tayo mula sa langit, pinapanood habang gumagawa ng lahat. Di ba may song pa nga, “From a distance, God is watching us.”?

Pero alam mo ba ang nakasulat sa Bible? Basahin natin ito:

Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina. Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari. (Salmo 139:15-16 ASND)

Pati mga buto natin ay kitang-kita na ni Lord nang hinuhugis pa lang tayo. It shows na hindi lang si Lord nakatingin sa malayo, kundi napakalapit Niya sa atin. Ang pagtakda Niya at pagsulat Niya ng buhay natin araw-araw ay nagpapakita kung gaano Siyang ka-involve sa lives natin.

Isipin mo na lang yung picture ng isang nanay na may maliit na anak. Ayon sa research, yung mga taon kung saan pinakamabilis matuto ang bata ng motor skills at mga bagay na nakikita o naririnig niya, yan ang pinaka-crucial na period para sa bata. Siyempre, gusto ng nanay na makuha ng anak niya yung pinakamahusay na stimulation—mga laruan, videos, o kahit ano pa—para matulungan siyang lumaki at maging successful sa buhay.

Higit pa sa gusto ng isang nanay, ang Diyos, mas gusto ng Diyos na punuin tayo ng Kanyang pagmamahal araw-araw!

Anong ibig sabihin nito? Gusto ni Lord ibuhos ang Kanyang pagmamahal sa bawat araw ng buhay mo, sa bawat pagkakataon!

Kaya’t asahan mong makikita mo ang kamay Niya sa lahat ng bagay na nangyayari sa araw-araw ng buhay mo!

Isa kang miracle!

Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Iniisip Ka Ni Lord

7-day Reading Plan Patungkol sa Iniisip Ka Ni Lord

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day