Iniisip Ka Ni LordHalimbawa

Alam mo ba ang value mo kay Lord?
Ngayon, sa panahong hindi na uso ang barter system, sinusukat natin ang halaga ng isang bagay based sa price nito: ang isang laptop ay may ganitong halaga, habang ang mobile phone ay may ganyang presyo. But ang pinakamahalaga ay ito: ang value ng isang bagay can be measured by how much a person is willing to sacrifice para dito.
Maybe, walang ibang tao sa buong mundo ang nagbigay ng anumang bagay para sa iyo. Pwede ding mayroon. But guess what, sino ang nagbigay ng pinakamahal na bagay sa mundo, dahil sa pag-ibig Niya sa iyo?
Ang Lumikha ng universe, ang Diyos na ang harap ay pinagsisilbihan ng millions of angels at ang lahat ng creatures ay yumuyuko sa Kanyang harapan, ay nagtakda ng Kanyang puso para sa iyo—at ibinigay Niya ang pinakamahal ng langit: His own Son!
Let’s read this verse aloud:
Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay din niya sa atin ang lahat ng bagay. (Roma 8:32 ASND).
Isipin mo, meron bang mas mahalaga kay God kaysa sa Kanyang kaisa-isang Anak? Maaaring nagbigay Siya ng mga buong galaxy, o universe, o buong linya ng mga hayop. Pero wala pa ring makakapit sa halaga na inilaan Niya para sa iyo. Ikaw ang perlas ng dakilang halaga, ang pinakamahalagang yaman na tinukoy ni Jesus sa Kanyang parable (Mateo 13:44-46), kung saan handa Siyang isakripisyo ang lahat: ang Kanyang sarili.
Hindi ka na maaaring maging walang halaga, dahil ang iyong value ay nakatali sa presyo ng Kanyang mahalagang dugo. God Himself decided to give Himself for you. Iyan ang kahalagahan mo sa Kanya!
Isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Iniisip Ka Ni Lord
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day