Iniisip Ka Ni LordHalimbawa

Nagco-compare ka ba sa iba?
Minsan ba nakakaramdam ka na parang hindi ka sapat para sa kingdom of God? Baka dahil ito sa comparison game—habang tinitingnan mo ang ibang tao ay naiisip mong, “Kung sana lang katulad ako ni so-and-so…” Minsan sinusukat natin ang ating halaga based on how good we are according sa perspective ng iba.
Pero alam mo ba na hindi ganun ang Diyos? Hindi Niya masyadong binibigyang-halaga kung gaano ka "ka-okay" o “kagandang tao” sa mata ng iba. Instead, focused Siya sa kung gaano ka Niya kamahal bilang isang tao.
Kapag tiningnan mo ang heart ni God through a “divine microscope,” makikita mo na in His eyes, ikaw ay isang maganda, walang kapantay, at perpektong kasintahan na palaging nagpapabilis ng Kanyang puso. Ano ang nakakakuha ng Kanyang atensyon at nagpapa-ibig sa Kanya nang walang hanggan? Ikaw! Ikaw ang Kanyang minamahal, at ikaw ang nagpapa-overwhelm sa Kanya.
Ano ang sinasabi ng Bible about sa feelings ng Diyos para sa iyo? Oo, alam natin na "mahal" tayo ng Diyos, at baka ngayon ay nagsisimula ka nang maniwala na “nagugustuhan” ka Niya. But do you know that deeper pa ang nararamdaman Niya para sa iyo kaysa sa mga simpleng emotions ng pagmamahal?
Maraming beses sa Biblia, ginamit ng Diyos ang malakas na salitang "desire" to describe kung ano ang feeling Niya sa iyo. Halimbawa, nais Niyang makasama ka at makita mo ang Kanyang kaluwalhatian (John 17:24), at nais Niya ring ipakita sa iyo ang Kanyang awa (Hosea 6:6).
Sabihin ito sa sarili: “Hindi Siya titigil sa anumang paraan para makuha ang puso ko.” Si Jesus mismo ang nagdasal para dito, at sigurado ka, makakamtan Niya ang Kanyang hiling dahil binayaran Niya ang pinakamataas na presyo para sa iyong puso!
Isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Iniisip Ka Ni Lord
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day