Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Iniisip Ka Ni LordHalimbawa

Iniisip Ka Ni Lord

ARAW 3 NG 7

Nakaka-hinder ba kay Lord ang kasalanan mo?

Naranasan mo na ba ang pakiramdam na “familiar” ka na sa Diyos, ngunit nahihirapan ka pa ring maniwala sa mga katotohanang sinasabi Niya tungkol sa iyo? Siguro, paulit-ulit mo nang naririnig na mahal ka ng Diyos, maganda ka sa Kanyang mata, at iba pang mga “good news” na mga bagay. Pero ngayon na nagkamali ka, tila parang nauurong ang mga salitang iyon, at nagiging mga walang saysay na cliché na lang.

Do you know what the enemy wants? Gusto niyang lokohin ka at magsimulang pagdudahan ang mga bagay na paulit-ulit na itinuro sa iyo ng Diyos. Kapag maganda ang takbo ng buhay mo, it’s easy to believe in the truths of your importance kay God. Pero kapag nagkamali ka, parang ang bigat ng pagkatalo mo ay nagpapabigat sa bigat ng mga katotohanang iyon.

Pero ano ang sinasabi ng Diyos tungkol dito? Let’s read itong nakasulat sa Bible:

Mapalad ang isang tao na ang mga pagsuway at mga kasalanan ay pinatawad at kinalimutan na ng Panginoon. Mapalad ang tao na ang kasalanan ay hindi ibinibintang sa kanya ng Panginoon, at walang pandaraya sa kanyang puso. (Salmo 32:1, 2 ASND)

Tingnan natin ang cross. Do you think joke lang nung sinabi Niya na ginawa ka Niyang perfect? Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng bawat hakbang Niya patungong cross, pagdadaanan ang pinakamasakit na pagpapahirap ng mundo?

Ang ibig Niyang sabihin ay: "Serious Ako sa relasyon ko sa'yo. Nais kong sabihin na wala kang dungis sa Akin, dahil ang pag-aalay Ko ng Anak Ko, ang Kanyang mahalagang dugo, ang nagbabayad para doon.”

Wow, hindi ba’t magandang balita ito?

Isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Iniisip Ka Ni Lord

7-day Reading Plan Patungkol sa Iniisip Ka Ni Lord

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day