Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nararanasan ang Pakikipagkaibigan sa DiyosHalimbawa

Experiencing Friendship With God

ARAW 5 NG 5

Misyong Nakasentro sa Presensya

Ang buhay na nakasentro sa presensya ay hindi isang buhay na walang ginagawa. Hindi ito tumitigil sa tuktok kapag nasiyahan tayo sa ating mga pag-aaral sa Biblia at sa ating mga debosyonal sa umaga. Sa halip, ito ay nagtutulak sa atin na isabuhay ang Kanyang misyon sa lupa.

Ang isang tapat na relasyon sa Banal na Espiritu ay magbabago sa ating mga puso upang tumibok tulad ng kay Cristo. Siya ay pag-ibig, at ang pagkilala sa Kanya ay nagiging dahilan upang mahalin natin ang iba. Gaya ng sabi sa 1 Juan 4:19-20, “Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin. Ang nagsasabing “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?"

Kung ang Cristianong pamumuhay na ating nililinang ay hindi nakasentro sa presensya, ito ay magiging makasarili. Ang misyon ng isang makasariling Cristiano ay bumuo ng magandang buhay sa lupa. Si Jesus, gayunpaman, ay nag-aalok sa atin ng isang mas magandang pangarap. Ang misyon ng isang Cristianong nakasentro sa presensya ay ang tamasahin ang Diyos habang dinadala rin ang iba sa pagkakaibigan.

Ang mga kaibigan ng Diyos ay naatasan sa banal na atas na gumawa ng mga bagay na higit sa kanilang kakayahan. Kadalasan ito ay isang bagay na mahirap, hindi maginhawa, o talagang imposible.

Matapos maibigay ang atas, iniaalok sa atin ng Diyos ang kaloob ng Kanyang sarili. Hindi Siya gumugugol ng oras para itaas tayo, purihin ang ating mga kakayahan o pagbigyan ang ating mga kahinaan. Sa halip, ginagarantiyahan lamang Niya ang Kanyang pakikipagkaibigan. Ang pakikipagkaibigang ito ay nagbibigay sa atin ng kapangyarihan para sa gawain.

Gustung-gusto ni Jesus na gamitin ang iyong magandang buhay para pagpalain ang iyong kalye, ang iyong komunidad, maging ang mundo. Ang pagsasanay sa Presensya ay hindi lamang ang pagiging banal. Inilalabas nito ang kapangyarihang ng Diyos na tumubos sa pamamagitan mo tungo sa ibang tao. May misyon Siya sa mundong ito na tipunin ang Kanyang mga anak upang Siya'y makilala nila, at tinawag ka na makipagtulungan sa Kanya sa misyong iyon.

Nasimulan mo na bang madama kung anong uri ng misyon ang mayroon ang Diyos para sa iyo? Ano ang hitsura nito? Paanong nagiging bahagi nito ang pakikipagkaibigan mo sa Diyos?

Umaasa kaming nahikayat ka ng gabay na ito. Matuto nang higit pa tungkol sa Nararanasan ang Pakikipagkaibigan sa Diyos ni Faith Eury Cho dito.

Tungkol sa Gabay na ito

Experiencing Friendship With God

Ikaw ba ay nasa isang panahon ng pagkaligaw, walang makitang tubig o bukal para sa iyong kaluluwa? Paano kung ang panahong ito ang magbibigay ng pinakamalaking pag-asa sa lahat: ang makilala ang Presensya ng Diyos nang malapitan, totoo, at may buong katapatan? Ang debosyonal na ito ay naghihikayat sa iyo na ang panahong ito ay hindi nasasayang, kahit na sa ilang araw ay pakiramdam mo na wala kang nararating. Sapagkat kahit saan ka makarating, ang Diyos ay naglalakbay kasama mo bilang Tagapag-aliw, Nagbibigay-buhay, at Kaibigan.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.faitheurycho.com/