Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nararanasan ang Pakikipagkaibigan sa DiyosHalimbawa

Experiencing Friendship With God

ARAW 1 NG 5

Ang Ilang na Lugar ng Kaluluwa

Mula ngayon hanggang makarating sa langit, ang malupit na katotohanan ng buhay ay hahamon sa iyong mga dahilan sa paniniwala sa Diyos. Mabibigo ka, at kung minsan ay mabibigo ka ng ibang tao. Hindi matutuloy ang mga plano. Magsasara ang mga pinto, na walang indikasyon ng muling pagbubukas. Ang mga pangyayari ay hindi magiging mabuti sa iyo, at ang ilang mga tao ay maaaring hindi na magbabago kahit kailan. Maaaring ikaw ay nasa panahon ng paghihintay, o marahil isang panahon ng pagkadurog. Kung ito ay nananatiling realidad para sa 'yo sa matagal-tagal na panahon, kung gayon maaaring nawalan ka na ng gana, at ang pananampalataya mo'y napagod na.

Ito ang ilang na lugar ng kaluluwa.

Para sa mga Israelita sa aklat ng Exodo, ang ilang ng Sinai ay hindi isang paglalakad sa kahabaan ng magandang landas at kulay berdeng kapaligiran, na may paglubog ng araw na maaaring ilagay sa Instagram. Hindi, ang ilang na lugar ay isang kasuklam-suklam na kaparangan kung saan malabong mabuhay. Ito ay isang lugar na napakainit ng pambu-bully at nakatiwangwang na lupain. Mahirap mag-alaga ng pangarap doon at mas mahirap maghanap ng layunin.

Ang ilang na lugar ng kaluluwa ay hindi naiiba. Kapag nasa loob nito, naglalakbay ka sa lupain ng panghihina ng loob. Kapag nakita mo ang iyong sarili na isang palaboy, kakaunti kung mayroon man ang ganap na makakaunawa sa iyong paglalakbay. Mas magiging pamilyar ka sa sakit kaysa sa pag-unlad, sa pagkalito kaysa sa pang-unawa.

Sinasabi ng ilan na ang sakit ay nagpapalakas sa iyo, ngunit ito ay isang walang kabuluhang kasinungalingan para sa isang taong nauubusan ng lakas habang paikot-ikot. Maaaring natural sa 'yo ang maging sigurado sa iyong sarili, ngunit sa ilang na lugar, maaaring humarap ka sa mapanganib na kawalan ng kapanatagan. Ang mas mahirap, hindi mo masisiguro kung kailan ito matatapos.

Minamahal na Manlalakbay sa ilang na lugar, paano kung ang pinakalayunin ng ilang ay hindi para mapabuti ka o para makapunta ka sa isang lugar? Bagaman ang pagpapakabanal ay maaaring maging resulta ng paglalakbay sa panahon ng disyerto, ang sakit ng paglalakbay ay hindi lamang ang malupit na paraan para sa layuning iyon. Sa halip, ang layunin ng ilang na lugar ay upang malaman ang Presensya ng Diyos—at ang isang matalik, tunay, at marubdob na pakikipagkaibigan sa Kanya ang gantimpala

Ang aklat ng Exodo ay nagsasabi, “Ang pakikipag-usap ni Yahweh kay Moises ay harap-harapan, tulad ng pakikipag-usap sa kaibigan. Pagkatapos, si Moises ay bumabalik na sa kampo ngunit naiiwan sa Tolda si Josue, ang lingkod niya.” (33:11). Ano ang halaga sa 'yo na maranasan mong ang Diyos ay iyong Kaibigan?

Tungkol sa Gabay na ito

Experiencing Friendship With God

Ikaw ba ay nasa isang panahon ng pagkaligaw, walang makitang tubig o bukal para sa iyong kaluluwa? Paano kung ang panahong ito ang magbibigay ng pinakamalaking pag-asa sa lahat: ang makilala ang Presensya ng Diyos nang malapitan, totoo, at may buong katapatan? Ang debosyonal na ito ay naghihikayat sa iyo na ang panahong ito ay hindi nasasayang, kahit na sa ilang araw ay pakiramdam mo na wala kang nararating. Sapagkat kahit saan ka makarating, ang Diyos ay naglalakbay kasama mo bilang Tagapag-aliw, Nagbibigay-buhay, at Kaibigan.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.faitheurycho.com/