Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nararanasan ang Pakikipagkaibigan sa DiyosHalimbawa

Experiencing Friendship With God

ARAW 3 NG 5

Nagrereklamo sa Ilang na Lugar

Bagama't ang Diyos ay nakikita sa mga salot na yumanig sa Egipto at naputol ang kanilang mga tanikala ng pagkaalipin, ang mga Israelita sa aklat ng Exodo ay hindi naging malapit sa Diyos gaya ni Moises. Kaya, noong ang mga sitwasyon ay naging mahirap, sila ay nagreklamo. "Sinabi na namin sa iyo na huwag mo kaming pakialaman, at pabayaan na lamang kaming manatiling alipin ng mga Egipcio," sabi nila (tingnan ang Exodo 14:11-12; 16:3; 17:3).

Kahit na tila mahina at walang utang na loob ang Israel, nauunawaan natin ang kanilang pagrereklamo. Kapag mahirap ang buhay, sinasabi ng ating kaluluwa, "Sige, Panginoon, kung hindi Mo ako aalisin dito, ako mismo ang lalabas dito." Dito nagsisimulang hindi natin pansinin ang Banal na Espiritu at nagsisimula tayong manangan sa ating sariling pang-unawa. Kapag ang pagrereklamo ay nauwi sa pagkilos, nililinang natin ang espirituwal na kalayaan mula sa Presensya na humahantong sa pag-asa sa ibang tao at mga bagay.

Pagbulay-bulayan ang mga sumusunod na katotohanan habang nilalabanan mo ang iyong pagrereklamo:

1.Siya ay kasama mo. Saan ako magpupunta, upang ako'y makatakas? Sa iyo bang Espiritu, ako ba'y makakaiwas? Kung langit ang puntahan ko, tiyak na naroroon ka, sa daigdig ng mga patay, humimlay man ako'y ikaw din ang kasama;(Mga Awit 139:7-8)

2.Alam Niya kung ano ang Kanyang ginagawa.Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.(Isias 55:9)

Bago muling gumugol ng kalahating oras sa pagmumuni-muni sa nakatagong kapaitan, pag-aalala sa kahihinatnan, o walang pag-iisip na pag-scroll sa social media upang takasan ang iyong mga problema, subukang basahin ang dalawang talatang ito at umupo sa mga katotohanang ito nang ilang sandali. Ang pagninilay-nilay sa katotohanan ng Diyos ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataong ayusin ang iyong pag-iisip, katawan, at espiritu at nagpapahintulot sa iyong ganap na makapiling si Jesus.

Ano ang mga inirereklamo mo kamakailan? Paano binabago ng pagtutok sa Presensya ng Diyos ang iyong pananaw sa mga problemang iyon?

Tungkol sa Gabay na ito

Experiencing Friendship With God

Ikaw ba ay nasa isang panahon ng pagkaligaw, walang makitang tubig o bukal para sa iyong kaluluwa? Paano kung ang panahong ito ang magbibigay ng pinakamalaking pag-asa sa lahat: ang makilala ang Presensya ng Diyos nang malapitan, totoo, at may buong katapatan? Ang debosyonal na ito ay naghihikayat sa iyo na ang panahong ito ay hindi nasasayang, kahit na sa ilang araw ay pakiramdam mo na wala kang nararating. Sapagkat kahit saan ka makarating, ang Diyos ay naglalakbay kasama mo bilang Tagapag-aliw, Nagbibigay-buhay, at Kaibigan.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.faitheurycho.com/