Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nararanasan ang Pakikipagkaibigan sa DiyosHalimbawa

Experiencing Friendship With God

ARAW 4 NG 5

Pagkakaibigan Higit sa Perpeksiyonismo

Ang pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili—ang bunga ng Espiritu—lahat ay mga katangiang sinisikap nating makuha. Sinisikap nating imatamo ang mga ito sa pamamagitan ng ating sariling kagandahang-loob at disiplina sa sarili. Gayunpaman, ayon sa Mga Taga - Galacia 5:22-23, gawain ng Banal na Espiritu na likhain ang bungang ito, habang gawain natin na patuloy na mamuhay nang kasama Niya. “Kung ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin, siya na rin ang paghariin natin sa ating buhay.” (Mga Taga - Galacia 5:25)

Ang tunay na espiritwal na pagbabago ay nagsisimula sa tunay na pagkakaibigan. Hindi ito tungkol sa pagiging o sa pagkakamit. Ito ay tungkol sa pagsama sa Banal na Espiritu.

Habang yumayabong ang pagkakaibigan, nagsisimula mong makilala Siya nang higit pa sa Kanyang pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon. Nagsisimula kang maunawaan ang Kanyang puso. Alam mo kung ano ang nagbibigay ng pagdadalamhati sa Kanya at humahadlang sa Kanya. Nagsisimula kang maunawaan ang Kanyang pananaw at nakikita mo na ang mga bagay mula sa Kanyang pananaw. Ang iyong pagnanais na magbago ay hindi na bunga ng obligasyon o kahihiyan kundi ng pagmamahal.

Hindi mo kailangang pagsikapang maging ganap na perpekto. Sa halip, maaari kang tumuon sa pagsasaayos ng sandaling ito kasama ng Diyos. At kapag lumipas na ang sandaling ito, tumutok ka sa susunod.

Sa bawat desisyon, dinggin mo ang Kanyang payo. Sa bawat pagkawala, magdalamhati ka kasama ang Katulong na laging nariyan. Kapag nabigo ka, magsisi ka at magtiwala sa Tagapagtanggol. Ang bawat sandali ay isang pagkakataon para sa isang uri ng pakikipag-ugnayan dahil Siya ay laging nariyan, malapit, at mabait.

Hindi mo kailangang isaalang-alang ang lahat ng dapat mong gawin, bagkus ay tumuon sa kung ano ang nais Niyang gawin mo ngayon. Kahit na ang isang gawain ay parang imposibleng magawa, huminga ka at humiling sa Kanya para sa higit sa karaniwang lakas. Ang pagsasama-sama ng mga sandaling ito ay nagbibigay ng bunga ng Espiritu! Habang unti-unti mo itong natatamo, bubuuin Niya ang iyong pagkatao at huhubugin ang iyong puso.

Sa anong mga paraan mo tinitingnan ang buhay Cristiano bilang isang krusada ng personal na tagumpay? Paano nito babaguhin ang mga bagay upang sa halip ay tingnan ang espirituwal na pagbabago bilang resulta ng pamumuhay na may kaugnayan sa Diyos?

Tungkol sa Gabay na ito

Experiencing Friendship With God

Ikaw ba ay nasa isang panahon ng pagkaligaw, walang makitang tubig o bukal para sa iyong kaluluwa? Paano kung ang panahong ito ang magbibigay ng pinakamalaking pag-asa sa lahat: ang makilala ang Presensya ng Diyos nang malapitan, totoo, at may buong katapatan? Ang debosyonal na ito ay naghihikayat sa iyo na ang panahong ito ay hindi nasasayang, kahit na sa ilang araw ay pakiramdam mo na wala kang nararating. Sapagkat kahit saan ka makarating, ang Diyos ay naglalakbay kasama mo bilang Tagapag-aliw, Nagbibigay-buhay, at Kaibigan.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.faitheurycho.com/