Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagkalag sa TanikalaHalimbawa

Breaking Free

ARAW 5 NG 5

"Ikalimang Benepisyo: Matamasa ang presensya ng Diyos"



Binigyan tayo ng Diyos ng maraming katibayan ng Kanyang nananatiling presensya.



Ang presensya ng Diyos ay hinding-hindi nagbabago, ngunit ang ebidensya nito ay hindi ganito. Sa ilang pagkakataon maaaring sadyang baguhin ng Diyos ang mga ebidensya ng Kanyang presensya upang matamo natin ang pinakamalaking benepisyo mula sa ating karanasan. Kung minsan ay natatanggap natin ang pinakamalaking benepisyo kung marami tayong nakikitang bakas ng Kanyang hindi-nakikitang mga kamay sa mga mahihirap na yugto ng buhay natin. Sa ibang mga pagkakataon pinakamalaki ang pakinabang kung mas kakaunti ang nakikita nating ebidensya. Hindi nababawasan ang pagmamahal ng Diyos sa atin kapag mas kakaunti ang ebidensyang ibinibigay Niya sa atin. Ang nais lang Niya ay lumakad tayo batay sa pananampalataya at hindi sa mga bagay na nakikita.



Ang presensya ni Cristo ang batayan ng lakas ng loob sa mga bagyo natin. Hindi Niya sinabi ang, “Lakasan ninyo ang loob ninyo! Kinakalma ko ang bagyo. Huwag kayong matakot.” Bagkus, habang napakalakas pa ng ihip ng hangin, sinabi Niya, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!”



Hindi palaging agad kinakalma ni Cristo ang bagyo, ngunit handa Siyang kalmahin ang Kanyang anak sa saligan ng Kanyang presensya. Maaaring kahit kailan ay hindi natin magugustuhan ang ating mga bagyo, ngunit kaya nating matutunang tamasahin ang presensya ng Diyos sa bagyo!



Sinasabi sa Banal na Kasulatan na hindi kailanman iiwan ni pababayaan ng Diyos ang Kanyang mga anak. Palagi Siyang nariyan. Pagdating ng bagyo, maaaring piliin nating paniwalaan o hindi paniwalaan ang Diyos. Nangako Siyang palagi natin Siyang kasama. Oras na tanggapin natin ang Kanyang presensya na isang katotohanan, malaya na tayong magpatuloy sa pagtamasa nito.



Ang pagiging malapit sa Diyos ay lumalago sa pagbubukas ng bawat aspeto ng ating karanasan. Nais kong ang Diyos ang pinakadakilang realidad sa buhay ko. Nais kong maging panatag ka sa Kanyang presensya higit pa sa anumang iyong nakikita o nahahawakan. Oo, maaari itong maging realidad mo. Ito ay karapatan mo bilang anak ng Diyos. Nakatadhana sa atin ang ganitong uri ng relasyon sa Diyos, ngunit sinusubukan tayong kumbinsihin ng kaaway na ang buhay Cristiano ay hahantong lang sa sakripisyo sa pinakamainam at artipisyal sa pinakamasama.



Italaga nang buong-buo ang sarili mo sa Diyos upang mapalaya ka na maging lahat ng binalak Niya. Huwag nating pahintulutan ang intimidasyon o takot na ikulong tayo sa anumang aspeto. Tandaan, si Satanas ay hindi maaaring angkinin ang kahit na anong awtoridad sa buhay mo. “Sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan” (1 Juan 4:4).



Makinig nang mabuti. Ang kampana ng kalayaan ay umaalingawngaw.
Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Breaking Free

Ang Pagkalag sa Tanikala ay gagabay sa iyo sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan upang tuklasin ang nakapagpapabagong kapangyarihan ng kalayaan kay Jesu-Cristo. Ang mga tema sa pag-aaral na ito ay mula sa Isaias, isang akla...

More

Nais naming pasalamatan si Beth Moore at ang Lifeway Christian Resources sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa dagdag na impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.lifeway.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya