Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagkalag sa TanikalaHalimbawa

Breaking Free

ARAW 2 NG 5

"Ikalawang Benepisyo: Parangalan ang Diyos"



Mas pinag-aaralan ko ang karangalan ng Diyos, mas kumbinsido akong ito ay halos hindi maipapaliwanag. Ang karangalan ng Diyos ay higit-higit pa sa anumang kayang arukin ng tao. Ganyan Niya ipinapakilala ang Kanyang sarili o ipinapakitang Siya ay makapangyarihan. Ang karangalan ng Diyos ang paraang ipinapakita Niya kung sino Siya.



Ang Salitang Griego para sa karangalan sa mga sanggunian natin sa Bagong Tipan (doxa) ay “ang tumpak na pagkaunawa sa Diyos o mga bagay. Ang karangalan ng Diyos ay dapat mangahulugan ng Kanyang hindi-nagbabago na diwa. Ang pagbibigay ng karangalan sa Diyos ay ang pagkilala ng lahat ng kung sino Siya...Ang karangalan ng Diyos ay kung ano talaga Siya sa ikabuturan." Ang Doxa ay mula sa isa pang kahanga-hangang salita, dokeo, na nangangahulugang “isipin o ipagpalagay.” Ang karangalan ng Diyos ang paraan Niya na makilala Siya.



Nais ng Diyos na makilala Siya sa lahat ng ginagawa natin! Ang isang buhay na nagpaparangal sa Diyos ay isang buhay na naghahayag sa Diyos. Kung ikaw ay katulad ko, malamang na iniisip mong hindi mo kakayaning gampanan ang responsibilidad ng ganitong pagkakatawag. Tayo'y mga nilalang na hindi perpekto! Paano natin matutulungan ang ibang makilala ang isang bagay patungkol sa Diyos sa panonood lang ng buhay natin at pagkilala sa atin?



Ipinahayag ni Pablo ang hiwaga na nananahan si Cristo sa bawat mananampalataya. Sinasabi sa Roma 8:9 ang “Kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Cristo, hindi kay Cristo ang taong iyon.” Nang sandaling tanggapin natin si Cristo bilang Tagapagligtas, ang Espiritu Santo ni Cristo ay nagsimula nang manirahan sa loob natin.



Nakikita mo ba ang susi? Wala tayong anumang pag-asang makikilala ang Diyos sa atin kung ang Espiritu ni Cristo ay hindi naninirahan sa atin. Kung hindi tayo pinananahanan ng Espiritu Santo, wala tayong anumang mula sa Diyos na maipapakita Niya.



Pinaparangalan natin ang Diyos sa antas na nababakas sa atin ang panloob na presensya ng buhay na Cristo. Ang buhay na nagpaparangal sa Diyos ay hindi natin biglang nakakamtan. Ang mga taong ipinapamuhay ang realidad ng kalayaan kay Cristo (Gal. 5:1; 2 Cor. 3:17) ay sumusulong sa “isang antas ng kaluwalhatian” paabante tungo sa pagiging kalarawan Niya. Habang sila ay mas sumusulong sa espirituwal na larangan, mas madaling makikilala ang Espiritu ni Cristo sa kanila. Kaya't kapag hindi nakikilala si Cristo sa isang tinubos na buhay, nais nating matunton at hayaan ang Diyos na ayusin ang bahaging iyon ng pagkakabihag. Ipinapabatid ng Diyos sa atin ang mga hadlang upang mapalaya Niya tayo!



Ang matutunang makipag-usap sa Diyos sa mga lubos na personal na pamamaraan ay napakahalaga sa proseso ng pagpapalaya. Ibahagi sa Kanya ang iyong tapat na tugon sa debosyonal para sa araw na ito.
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Breaking Free

Ang Pagkalag sa Tanikala ay gagabay sa iyo sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan upang tuklasin ang nakapagpapabagong kapangyarihan ng kalayaan kay Jesu-Cristo. Ang mga tema sa pag-aaral na ito ay mula sa Isaias, isang akla...

More

Nais naming pasalamatan si Beth Moore at ang Lifeway Christian Resources sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa dagdag na impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.lifeway.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya