Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

MGA TIPAN NG PANGAKO
Sa kasaysayan ng pagliligtas, nakipagtipan ang Diyos sa Kanyang bayan. Ang tipan ay isang ugnayan na kinapapalooban ng mga pangako. (cf. O. Palmer Robertson).
BASAHIN: Mga Taga-Efeso 2:11-12
BASAHIN: Genesis 15 at Mga Hebreo 6:17-18
Kay Cristo, maaari na nating angkinin ang mga pangako ng Panginoon. Ilista ang ilan sa mga pangako ng Diyos na nasasaad sa Biblia na nangungusap sa puso mo. Kay Cristo, sa iyo na ang mga ito. Ang isang paborito ko ay ang Isaias 41:10.
MALING PANANAW: Ang ugnayan ko sa Diyos ay hindi kasing halaga ng iba pang mga ugnayan ko — sa aking asawa, sa aking mga anak, sa aking mga kaibigan.
TAMANG PANANAW: Katipan ko ang Diyos — ang pinakamalalim at pinakamahalagang uri ng ugnayan sa lahat. Sa ugnayang tipan na ito, gumawa ang Diyos ng mga pangakong maaari kong pagkatiwalaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.
More