Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Hanggang Adbiyentong Pangpamilya, Linggo 4Halimbawa

Infinitum Family Advent, Week 4

ARAW 5 NG 5

GUSTONG-GUSTO natin ang mga kuwento tungkol sa isang taong binibigyan ng misyon: Ang My Spy o The Sleepover, Nancy Drew o Lightyear, atbp....… masaya at parang laro ito na panoorin ang mga tao na nakakakuha ng isang mahalagang trabaho at isalba ang araw, ngunit kapag ito ay TAYO?!?! Hindi natin alam kung tayo ay magtatagumpay, hindi tayo sigurado kung sino ang ating maaasahan para sa tulong, madalas na hindi natin mapipili ang misyon… at patuloy pa ang listahan. Hindi madaling mabigyan ng misyon - —kaya gusto natin ang mga pelikula at aklat na iyon! Nakakapagbigay ng inspirasyon na panoorin ang mga tao na maging matapang, makipagsapalaran, subukan ang kanilang pinakamakakaya, at matutunang magtrabaho bilang isang pangkat… at patuloy din ang listahan!

Si Jose (panlupang tatay ni Jesus) ay binigyan ng misyon, at kalakip nito ang lahat ng mga tanong at alalahaning magkakaroon din tayo! Ang misyon ay hindi akma sa plano ni Jose; kailangan niyang bumuo ng isang pangkat para magawa ito, at hindi niya alam kung sino ang maaasahan niya. Hindi niya alam kung paano magtatapos ang kuwento noong nakuha niya ang itinatakda sa kanya, hindi siya sigurado na handa at kaya niya ang lahat ng ito, at hindi niya posibleng malaman ang lahat ng mangyayari sa proseso ng pagtatalaga. Nakukuha mo ang ideya, na ang mahalagang trabaho ay nangangailangan ng maraming lakas ng loob, kahit pa ang katuwang mo ay ang Diyos!

Ngunit heto ng mahalaga, na ang Diyos ay tulad ng pinakadakilang katropa- tinatrabaho Niya ang proyekto habang ikaw ay natutulog! Mas matalino Siya kaysa sa iyo; Mas malikhain Siya. Hindi Siya kailanman nahuhuli sa isang itinatakda; lagi Niyang ginagawa ang ipinangakong Niyang gagawin. Kung magkakaroon ka ng misyon at kailangan mo ng isang tropa, ang Diyos ang dapat mong unang piliin :)

Ngayon, bakit hindi ka at isang magulang, kapatid, o kaibigan (o kumbinasyon ng mga iyon!) ay maglakad-lakad at maghanap ng mga paraan na kumikilos na ang Diyos, kahit na hindi mo dating napansin? Habang nagpapatuloy ka, huwag kalimutang pansinin ang Kanyang gawain sa kalikasan, sa mga tao, sa nakakagulat na mga paraan, atbp.............… sa buong paligid ng iyong kapitbahayan.

Kausapin ang isa't isa tungkol sa kung ano ang nakikita ninyong gawain ng Diyos sa iyong kapitbahayan.

Kausapin din sa Diyos tungkol sa mga bagay na ito—sabihin sa Kanya kung ano ang iniisip mo tungkol sa kung ano ang ginagawa Niya!

At, kung maglakas-loob ka, ipaalam sa Kanya na handa ka na sa isang misyon kasama Niya—tanungin mo Siya kung may mga itatakda Siya sa iyo na makasama Niya sa gawaing nais Niyang gawin sa iyong pamilya/kapitbahayan ngayong Pasko.

Salamat sa pagsunod mo sa babasahing gabay na Biblia ng Adbiyento kasama ng Infinitum; mangyaring bisitahinhttps://infinitumlife.com upang matutunan ang higit pa sa Infinitum Life.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Infinitum Family Advent, Week 4

Puno tayo ng pag-asa habang parating ang panahon ng pagdiriwang na ito na may layuning tumutok sa puso ng Diyos. Samahan kami sa loob ng 4 na linggo habang kami ay: Tumanaw sa Kagandahan; Sumira sa mga Hadlang; Magbigay Espasyo; at Masorpresa ng Diyos. Tulad ng lahat ng pinakamahusay na bagay sa buhay, ang paglalakbay na ito ay pinakamahusay na gawin kasama ng iba—kaya dalhin ang isa o dalawang kaibigan at ang iyong paghanga at pasukin ang Panahon ng Adbiyento.

More

Nais naming pasalamatan ang Infinitum sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://infinitumlife.com/2022advent