Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Hanggang Adbiyentong Pangpamilya, Linggo 4Halimbawa

Infinitum Family Advent, Week 4

ARAW 4 NG 5

Nagawa mo na bang yakapin ang isang puno? O umupo sa parke at sadyang panoorin ang ilang iskwirel? O kaya humiga sa damuhan upang suriin ang mga ulap? Pinakinggang mabuti ang awit ng ibon? Ang kalikasan ay talagang nag-uumapaw sa kadakilaan ng Diyos. Napakaraming bahagi ng kalikasan ang tahimik, ngunit "nangungusap" o "umaawit" patungkol sa Diyos.

Hindi kailanman nalilimitahan ang Diyos sa kung ano ang maaari Niyang gamitin para gawin ang Kanyang gawain sa mundo - sa isang punto, Siya ay nagsalita tungkol sa kung paanong kikilos ang mga bato na gawin ito kung ang mga tao ay hindi makikipagtulungan sa gawain (Nagtataka ako kung doon nila nakuha ang ideya para sa karakter na iyon ng Marvel, na si Korg?!). Ang pagkalaki-laki ng imahinasyon ng Diyos ay nagpapaunawa sa atin kung gaano tayo kaliit (isipin ang sarili mo kumpara sa lawak ng galaksiya), at gayunpaman, gustong-gustong-gusto ng Diyos na makatrabaho ang mga tao bilang Kanyang mga katuwang.

Si Maria (nanay ni Jesus) ay nakatanggap ng isang malaking tungkulin sa kanyang pakikipagtulungan sa Diyos: palakihin ang anak ng Diyos, ang Tagapagligtas ng mundo. At kahanga-hanga kung gaano kalaki ang pananampalataya at katapangan na ipinakita niya sa kanyang tungkulin. Ngunit napakaganda ring makita kung gaano siyang mapagpakumbaba, kung gaano niyang alam na ang Diyos ang gumagawa ng malaki, mahirap na trabaho at nagpapasalamat lang siya na maging kabahagi ng proyektong ito.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung tutugon akong tulad ni Maria. At isa pa, hindi ko alam kung pipiliin ko si Maria para sa trabaho kung ako ay Diyos. Pipiliin mo ba siya? Nasa isipan natin ang mga ‘tuntuning’ ito tungkol sa kung sino ang kwalipikadong gumawa ng mahahalagang gawain o gawin ang gawain ng Diyos, at kadalasan ang mga ‘tuntunin’ na iyon ay nangangahulugan na tinatanggal natin agad ang ilang mga tao. Halimbawa, ang taong iyon ay napakabata pa para gawin ang bagay na iyon; o masyado siyang palautos para pamunuan ang proyektong iyon, o sila ay masyadong ______ o ________. Tama ba ako? Mayroon ba tayong mga pamantayan tungkol sa kung sino ang 'tama' o 'kwalipikado' na gumawa ng mahahalagang bagay?

Ngayon ay babasahin natin ang mga iniisip ni Maria tungkol sa kanyang mahalagang trabaho at matututunan natin mula sa kanya ang isang napakagandang paraan ng pagtingin sa Diyos, sa ating sarili, at sa gawaing nais Niyang gawin kasama natin. Ngunit una, narito ang ilang mga katanungan upang pag-isipan:

Sino ang mga taong sa tingin mo ay pinakakwalipikadong gawin ang gawain ng Diyos? Bakit?

Mayroon ka bang anumang 'mga tuntunin' tungkol sa kung sino ang tama/kwalipikadong gawin ang gawain ng Diyos na humahadlang sa IYO na maging katuwang Niya sa trabaho?

Ano sa tingin mo ang mahalagang gawain ng Diyos para sa iyo ngayong Pasko?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Infinitum Family Advent, Week 4

Puno tayo ng pag-asa habang parating ang panahon ng pagdiriwang na ito na may layuning tumutok sa puso ng Diyos. Samahan kami sa loob ng 4 na linggo habang kami ay: Tumanaw sa Kagandahan; Sumira sa mga Hadlang; Magbigay Espasyo; at Masorpresa ng Diyos. Tulad ng lahat ng pinakamahusay na bagay sa buhay, ang paglalakbay na ito ay pinakamahusay na gawin kasama ng iba—kaya dalhin ang isa o dalawang kaibigan at ang iyong paghanga at pasukin ang Panahon ng Adbiyento.

More

Nais naming pasalamatan ang Infinitum sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://infinitumlife.com/2022advent