Walang Hanggang Adbiyentong Pangpamilya, Linggo 4Halimbawa

Bago ipanganak si Jesus, ang Kanyang tiyahin ay magsisilang ng isang sanggol kahit na siya ay masyado nang matanda para mangyari iyon (kaya lang ang Diyos ay palaging gumagawa ng mga nakakagulat na bagay!). Noong nabalitaan ni Elisabet (ang tiyahin ni Jesus) ang tungkol sa magiging anak niya, nabatid niyang agad na ang Diyos ang kumikilos. Nang marinig ito ng tiyuhin ni Jesus na si Zacarias, nahirapan siyang maniwala na magagawa ng Diyos ang gayong nakakagulat na bagay. Hindi siguro natin dapat husgahan si Zacarias. Maaaring ganoon din ang gagawin natin! Ngunit nang mag-alinlangan si Zacarias, ISA PANG nakakagulat na bagay ang ginawa ng Diyos: Sinuspinde Niya ang boses ni Zacarias! ANO?! Isang bagay ba iyon?
Maaaring matukso kang isiping nadismaya ang Diyos at ginamit ito bilang parusa para kay Zacarias. Ngunit tila, hindi iyon ang nakita ni Zacarias. Sigurado akong hindi madali ang hindi makapagsalita sa loob ng maraming buwan, ngunit habang hindi natin alam kung ano ang naramdaman ni Zacariashabang pinagdadaanan ang mga buwang iyon, alam natin na ang una niyang ginawa nang ibalik sa kanya ng Diyos ang kanyang boses ay MAGPASALAMAT SA DIYOS! Ha. Sino ang nakakaalam?!
Narito ang isang magandang bahagi ng kuwento: Nabawi ni Zacarias ang kanyang boses pagkatapos ipanganak ang kanyang anak, at si Zacarias ay sumang-ayon sa Diyos at kay Elisabet sa ipapangalan sa sanggol: Juan (na kakaiba noong panahong iyon dahil pinangangalanan ng karamihan sa mga pamilya ang kanilang anak nang tulad ng mga tao sa kanilang pamilya at walang Juan noon).
Ang sanggol na ito ay naging isang kahanga-hangang mangangaral. Tinuruan niya ang NAPAKARAMING mga tao tungkol kay Jesus; binigyan niya ang mga tao ng pag-asa at tinulungan silang sundin ang mga plano ng Diyos para sa kanilang buhay. At hindi lang pangalan niya ang kakaiba. Ang mga piniling kainin at suotin ni Juan ay kakaiba sa buong buhay niya. Ngunit ang kakaibang (Juan) at nakakagulat (na Diyos) ay may kaugnayan; Gustung-gusto ng Diyos ang pagiging kakaiba ni Juan at lubos na nasiyahang makatrabaho ito.
Hindi alam ni Zacarias ang lahat ng ito noong sanggol pa lamang si Juan! Ngunit alam ng Diyos. Naging mahirap para kay Zacarias ang sumakay sa mga nakakagulat na plano ng Diyos at kung minsan, ganoon din tayo, dahil hindi natin alam kung paano magtatapos ang kuwento habang tayo ay nasa simula pa lang.
Kaya't palawakin natin ang ating mga isipan na makakatulong sa atin na magtiwala sa Diyos kahit na may mga bagay na nangyayari na hindi natin maintindihan. Halimbawa, sabihin nating nakansela ang isang bakasyon na plinano mo para sa susunod na buwan… makakaisip ka ba ng paraan (o dalawa) na maaaring ito ay isang nakakagulat na gawain ng Diyos?
Paano kung may pinapagawa ang inyong guro na isang proyekto at kailangang kasama mo ang isang tao sa iyong klase na hindi mo gusto… makakaisip ka ba ng paraan (o dalawa) na maaaring ito ay isang nakakagulat na gawain ng Diyos?
Paano kung malaman mong may bagong trabaho ang nanay mo sa ibang lungsod at lilipat kayo sa loob ng dalawang buwan… makakaisip ka ba ng paraan (o dalawa) na maaaring ito ay isang nakakagulat na gawain ng Diyos?
Kahit na ang mga senaryong ito ay hindi totoo—o kahit na hindi ang Diyos ang nagsabi sa iyong guro na ilagay si ganito-at-ganoon sa iyong grupo sa proyekto—ang pagsasanay sa kakayahang hanapin ang nakakagulat na gawain ng Diyos ay nagpapalakas ng pag-iisip natin na tumutulong sa ating makasakay sa nakakagulat na gawain ng Diyos kapag ito ay dumating sa ating buhay.
Mayroon bang sitwasyon sa iyong buhay ngayon kung saan ang Diyosay maaaring gumagawa ng nakakagulat na gawain?
Maiisip mo ba kung paano maaaring gumawa ang Diyos ng isang nakakagulat na gawain sa iyong 'kuwento' ng Pasko ngayong taon?
Subukang danasin ang suspensyon ni Zacarias. Subukang manahimik kasama ang iyong pamilya o mga kaibigan nang isang buong minuto… mahirap ba? Bakit?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Puno tayo ng pag-asa habang parating ang panahon ng pagdiriwang na ito na may layuning tumutok sa puso ng Diyos. Samahan kami sa loob ng 4 na linggo habang kami ay: Tumanaw sa Kagandahan; Sumira sa mga Hadlang; Magbigay Espasyo; at Masorpresa ng Diyos. Tulad ng lahat ng pinakamahusay na bagay sa buhay, ang paglalakbay na ito ay pinakamahusay na gawin kasama ng iba—kaya dalhin ang isa o dalawang kaibigan at ang iyong paghanga at pasukin ang Panahon ng Adbiyento.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

Dayuhan Tayo Sa Mundo

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Buhay Si Jesus!

God Is With You

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

Nagsasalita Siya Sa Atin

Mag One-on-One with God

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin
