Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Hanggang Adbiyentong Pangpamilya, Linggo 4Halimbawa

Infinitum Family Advent, Week 4

ARAW 3 NG 5

Ang mga salita ay may-KAPANGYARIHAN (makapangyarihan)! Ang mga maling salita ay may kapangyarihang makasakit sa atin, at ang mga tamang salita ay may kapangyarihang magpagaling sa atin. Iniisip natin na ang mga salita ay isang normal na bahagi ng buhay—katotohanan lang!— ngunit ang mga salita ay may pinupuntahan, ang mga salita ay nakakaantig, ang mga salita ay nakakalito, ang mga salita ay maaaring lumaki, at ang mga salita ay may malaking kapangyarihan.

Sigurado ako, na tulad ko, nakabigkas ka ng mga salita para saktan ang ibang tao at natuklasan mong ang sarili mong mga salita ay nakasakit sa iyo kahit sa pagsasabi lang ng mga ito! Ngunit tataya akong gumamit ka rin ng mga salita na nakita mong tumama sa isang tao at napangiti siya, napagaan ang pakiramdam, at mas napatalik ang pagkakaibigan ninyo ng taong iyon.

Binisita ng nanay ni Jesus (Maria) ang kanyang pinsan bago isilang si Jesus at ang Kanyang tiyahin (natatandaan mo? Si Elisabet?) ay gumawa ng isang napakagandang bagay nang dumating si Maria sa kanyang bahay. Ginamit ni Elisabet ang kanyang mga salita upang bigyan si Maria ng isang tunay na regalo.

Sa ating banal na kasulatan ngayon (sa susunod na screen), mababasa mo ang mga salita ni Elisabet kay Maria. At habang ginagawa mo iyon, makikita mo na pambihira ang kagandahang-loob ni Elisabet kay Maria sa “regalo" na ito. Hindi natin palaging tinuturing ang mga salita na regalo - mas iniisip natin ang mga bagay para ibigay sa mga tao - ngunit kung sisimulan nating isipin ang ating mga salita na isang paraang maging bukas-palad sa mga tao, ngayong Pasko, maaaring ang ating pagbibigay ng regalo ay maging mula sa isang araw ng pagbubukas ng regalo sa pagkakalat ng pagkabukas-palad nang buong buwan!

May naaalala ka bang isang taong nagsabi sa iyo ng mga salita na parang isang regalo?

Maaari mo bang ipaliwanag ang ibig sabihin ng ‘maaaring lumaki ang mga salita’ matapos marinig ang mga ito?

Maaari mo bang pangalanan ang 2 o 3 tao na maaaring makinabang sa iyong pagiging bukas-palad sa kanila sa iyong mga salita?

Naisip mo na ba kung paano nangangailangan ng lakas ng loob ang pagpapalakas ng loob ng ibang tao? Bakit ganoon, ano sa palagay mo? Mayroon ka bang magagawa/naiisip upang matulungan kang magkaroon ng lakas ng loob na magpalakas ng loob sa iba?

Subukan mo. Sadyaing gumugol ng oras sa pagsasabi sa mga nasa malapit sa iyo (sa paaralan o tahanan, atbp.) kung paano mo nakikita ang Diyos na gumagawa sa iyong buhay. Halimbawa: ‘Nakikita kong kumikilos ang Diyos sa paraang napakabait mo sa akin.” Baka maaari mo ring subukan ang ilang salita ng positibong pagturing sa mga hindi mo kilala sa groseri! Ang pagpapalakas ng loob ay nagpapalakas sa pagiging bukas-palad sa ating buhay!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Infinitum Family Advent, Week 4

Puno tayo ng pag-asa habang parating ang panahon ng pagdiriwang na ito na may layuning tumutok sa puso ng Diyos. Samahan kami sa loob ng 4 na linggo habang kami ay: Tumanaw sa Kagandahan; Sumira sa mga Hadlang; Magbigay Espasyo; at Masorpresa ng Diyos. Tulad ng lahat ng pinakamahusay na bagay sa buhay, ang paglalakbay na ito ay pinakamahusay na gawin kasama ng iba—kaya dalhin ang isa o dalawang kaibigan at ang iyong paghanga at pasukin ang Panahon ng Adbiyento.

More

Nais naming pasalamatan ang Infinitum sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://infinitumlife.com/2022advent