Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Hanggan Adbiyentong Pangpamilya, Linggo 1Halimbawa

Infinitum Family Advent, Week 1

ARAW 5 NG 5

Naaalala mo ba ang bahaging iyon sa kwento, The Grinch Stole Christmas nang ang puso ng Grinch ay "tatlong beses ang inilaki sa araw na iyon?” Gustung-gusto natin ang sandaling iyon kapag ang kanyang puso ay nasira ang kuwadro. Bago nangyari iyon, tumayo siya habang nakaipit ang mga paa ni Grinch sa niyebe at naghintay. Para saan? Upang makita kung ano ang mangyayari kapag nalaman ng Who Village na ang kanilang mga pakete, kahon, at bag ay tinangay.

Ngunit sa halip na ang inaasahan “boo hoo'' ang aabot sa kaniyang tenga, ay may isang kanta! Nakarating sa kanya ang kanta ni Who...na may hindi inaasahang kagandahan.

Ang kanta ay hindi kinakailangang maganda dahil sa tunog o kahit na mga salita. Ang ibig kong sabihin, sino ba talaga ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng “Dahoo Dores”? Hindi- maganda ang kanilang kanta dahil galing ito sa isang bagay na hindi kayang isilid sa isang kahon. Isang bagay sa loob.

Noon ay nagkaroon si Grinch ng “AHA!” at naisip, “Siguro hindi nagmumula sa tindahan ang Pasko...Siguro ang Pasko ay medyo higit pa.” Ang Grinch ay nakatagpo ng kagandahan at ang kanyang puso ay lumawak ng tatlong sukat upang tanggapin ito…dahil iyon ang nagagawa ng kagandahan.

Ang Grinch ay nabuksan ang kanyang puso sa pamamagitan ng kagandahan.Ang layunin ng kagandahan sa mundo ay palawakin ang ating mga puso upang tanggapin ang walang hanggan at walang katapusan (isipin: magpakailanman at hanggang sa kailanman) pagmamahal ng Diyos.

Alam natin ito sa ating kaibuturan, hindi ba? Kapag nakita natin ang kagandahan ng isang perpektong alon, o nakarinig ng sobrang nakakaakit na kanta, o nakaramdam ng panliliit sa tabi ng isang bundok, nagiging mas malaki tayo sa ating kalooban. Lahat tayo ay nangangailangan ng mga sandaling tulad nito. Mga sandali na puputok sa ating puso upang bigyang puwang ang NAPAKALAKING pag-ibig ng Diyos.

Dahil sa 2 Mga Taga Corinto 3:18 ay sinasabi na mayroong isang bagay na nangyayari kapag binuksan natin ang ating sarili sa kagandahan. Kapag “nakikita natin ang kaluwalhatian ng Panginoon … tayo ay binabago [oo, katulad ng mga Transformers] sa parehong imahe.”

Kung ang Diyos talaga ay Ang Maganda, ang pinagmulan kung saan nagmumula ang lahat ng kagandahan, pagkatapos ay habang binibigyang pansin natin ang magagandang sandali na ito, binibigyang pansin natin Siya. At nagsisimula tayong maging katulad Niya.

Maglaan ng isang minuto upang hayaan ang iyong imahinasyon na gumala sa isang bagay na itinuturing mong maganda. Sige, ipikit mo ang iyong mga mata at hayaang gumala ang iyong isip! Ikaw ito at mang nakikita mo “ang Kaluwalhatian ng Panginoon” ngayong linggo sa pamamagitan ng pagtutok sa kagandahan.

Habang iniisip mo Siya, magtanong, “Oh Diyos, paano mo ako ninanais na magbago ngayon para maging kawangis Mo lalo?”

Kung nais mong sumubaybay sa isang linggo ng Advent with Infinitum, mangyaring bumisita sahttps://infinitumlife.com/2022adventpara sa higit pang mga babasahin ng Biblia at mga mapagkukunan ng Adbiyento.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Infinitum Family Advent, Week 1

Puno tayo ng pag-asam habang nalalapit tayo sa panahon ng pagdiriwang na ito na may layuning tumutok sa puso ng Diyos. Samahan kami sa loob ng 4 na linggo habang ating: Masdan ang Kagandahan, Basagin ang mga Harang, Gumawa ng Puwang, at Magulat sa Diyos. Tulad ng lahat ng pinakamahusay na bagay sa buhay, ang paglalakbay na ito ay pinakamahusay na gawin kasama ang iba—kaya magdala ng isang kaibigan o dalawa nang may paghanga at pumasok sa Panahon ng Adbiyento.

More

Nais naming pasalamatan ang Infinitum sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://infinitumlife.com/2022advent