Walang Hanggan Adbiyentong Pangpamilya, Linggo 1Halimbawa

Nang dumating si Jesus sa mundo, nag-alok ang Diyos ng isang paanyaya, “Tanggapin ang Aking yakap. Tanggapin Ako bilang iyong minamahal, bilang iyong Ama. Lumapit sa Aking mga bisig, sa Aking tahanan, sa Aking pamilya. Ikaw ay akin”
Kapag tinatanggap natin si Jesus sa ating puso at buhay, tinatanggap natin ang yakap bilang anak ng Diyos. Tulad ng isang yakap mula sa isang mahal sa buhay na matagal mo nang hindi nakikita, kinukulong tayo ng Diyos sa Kanyang mga bisig, at pinagmamasdan tayo nang may paghanga.
Ang mga sandali kung saan ang kagandahan ay nakakaakit sa ating paningin ay nagpapaalala sa atin ng mapagmahal na pangangalaga ng Diyos. Huminto sandali upang alalahanin ang ilang pagkakataon na nakapukaw ng iyong paningin ang isang kagandahan: marahil isang ardilya na tumatalon sa bawat sanga, o ang mga bituin na kumikislap sa madilim na kalangitan, o nakita mo ng isang kaklase na mabait sa isang taong nasaktan, kahit isang bagay na tulad sa unang masarap na kagat sa isang mainit na tinapay…ang mga sandaling ito ng kagandahan ay nagdudulot ng ating pansin sa isang malaki at mapagbigay na Diyos na nagmamahal sa atin. Ang isang malaki, bukas-palad na Diyos na dumating bilang Sanggol na Jesus upang lumaki kasama ng mga tao at ipakita ang Kanyang pagmamahal sa ating lahat.
Ngayon, habang ginagawa mo ang iyong regular na buhay, hanapin ang mga sandali ng kagandahan at hayaan silang maging mga paalala na ang sanggol na si Jesus sa kwento ng Pasko ay parang isang yakap para sa iyo mula sa isang malaki at mapagbigay na Diyos.
Maaaring gawin: Malakad-lakad sa labas sa mga Christmas lights sa gabi at tanungin ang iyong pamilya kung ano ang napansin nila. Ano ang napansin mong maganda? Ano ang nagdudulot sa iyo ng pagkamangha at paghanga?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Puno tayo ng pag-asam habang nalalapit tayo sa panahon ng pagdiriwang na ito na may layuning tumutok sa puso ng Diyos. Samahan kami sa loob ng 4 na linggo habang ating: Masdan ang Kagandahan, Basagin ang mga Harang, Gumawa ng Puwang, at Magulat sa Diyos. Tulad ng lahat ng pinakamahusay na bagay sa buhay, ang paglalakbay na ito ay pinakamahusay na gawin kasama ang iba—kaya magdala ng isang kaibigan o dalawa nang may paghanga at pumasok sa Panahon ng Adbiyento.
More
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Sa Paghihirap…

Mag One-on-One with God

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

Nagsasalita Siya Sa Atin
