Walang Hanggan Adbiyentong Pangpamilya, Linggo 1Halimbawa

Nagkaroon ka na ba ng Paskong iba ang nangyari sa iyong inaasahan? Marahil ay naisip mo na makakakuha ka ng isang tiyak na regalo ngunit hindi mo ito natanggap, o inaasahan mong makapaglakbay ka upang bisitahin ang isang mahal sa buhay ngunit isang sakit ang pumigil sa iyo? Ang mga tao noong panahon ni Jesus ay may mga inaasahan tungkol sa kung ano ang magiging hitsura ng kanilang Mesiyas at ang mga larawang iyon sa kanilang isip ay hindi kasama ang ipinanganak Siya sa isang kuwadra kasama ng mga hayop, o na Siya ay magiging maamo, kilala sa Kanyang pagmamahal.
Ang mga inaasahang hindi naganap ay maaaring magdulot ng maraming pagkadismaya. Ngunit dahil lang sa ang isang bagay ay hindi naganap sa kung ano ang ating inaasahan, ay hindi nangangahulugan na ito ay hindi maganda.Parang noong unang beses kang nagsawsaw ng cheesy sandwich sa tomato soup…TUNOG hindi ito maganda ngunit ito pala ay naaaaaaaaaapaka sarap!
Si Jesus ay hindi inaasahan, ngunit naaaaaaaaaapakaganda. Kapag nananatili tayo sa ating mga inaasahan, marami tayong mapapalampas. Nakaiisip ka ba ng isang pagkakataon na hindi kanais-nais na nakakagulat ngunit ito ay naging mabuti? Siguro may isang oras na ito ay naging mahusay?
Ngayong Pasko, bitawan natin ang ating mga inaasahan at hayaan ang mga sorpresa at kagandahan ng panahon na ipaalala sa atin si Jesus at ang Kanyang nakakagulat na kagandahan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Puno tayo ng pag-asam habang nalalapit tayo sa panahon ng pagdiriwang na ito na may layuning tumutok sa puso ng Diyos. Samahan kami sa loob ng 4 na linggo habang ating: Masdan ang Kagandahan, Basagin ang mga Harang, Gumawa ng Puwang, at Magulat sa Diyos. Tulad ng lahat ng pinakamahusay na bagay sa buhay, ang paglalakbay na ito ay pinakamahusay na gawin kasama ang iba—kaya magdala ng isang kaibigan o dalawa nang may paghanga at pumasok sa Panahon ng Adbiyento.
More
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Sa Paghihirap…

Mag One-on-One with God

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

Nagsasalita Siya Sa Atin
